Unexpected 18: Date (Part 2)

1272 Words

HINDI KO magawang tumingin kay Zandy habang lulan kami ng sasakyan niya patungo sa restaurant kung saan kami magde-date daw. Pilit kong inalala sa isip ko ang ginawa ko nang nagdaang gabi at lahat iyon muling bumalik sa isip ko. Hindi ko na alam kung paano ako haharap kay Zandy. Tama siya, para nga akong baliw nang nagdaang gabi. Nahihiya ako sa sarili ko, maging kay Zandy dahil sa pinagagawa at pinagsasabi ko. Bigla ko tuloy pinagsisihan ang pag-inom ko ng marami. Naalala kong ako nga pala ang nanghamon kay Zandy na halikan ako, inilapit ko pa ang nguso ko sa kaniya dahil iniisip kong hindi naman niya iyon kayang gawin. Nakalimutan ko atang ginawa na niya iyon nang ikasal kami. Mayamaya pa'y huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking restaurant. Napaka-elegante niyon mula sa labas

New users can unlock 2 chapters for free!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD