Unexpected 2: Man

2631 Words
"HUH! IPAKAKASAL ka nila Tita at Tito sa anak ng kaibigan ni Tito? OMG! Seriously, Miles?" bayolenteng reaction ni Andrea nang sabihin ko sa kaniya ang naging usapan namin ng mga magulang ko nang nagdaang gabi na hindi nagpatulog sa akin. Sino nga ba namang makakatulog kung malalaman mong ikakasal ka na pala ng hindi mo nalalaman. Nasa labas kami ng kompanya habang kumakain ng lunch. Malungkot akong tumango para ikompirma ang sinabi ko. "Nahihibang na sila para gawin iyon, Andrea. Just because of that damn f*cking curse na iyon na panahon pa ni kupongkupong pinaniniwalaan. Hello! Nasa year 2022 na tayo at wala sa 90's. Hindi na uso ang sumpa," pagra-rant ko sa kaniya. Seryoso akong tiningnan ni Andrea at kapagkuwa'y natawa rin. Tinaasan ko siya ng kilay. "I'm sorry, Miles. Natatawa pa rin ako every time na naririnig ko ang sumpang iyan. Mukhang naiwan ng nakaraan ang pamilya mo for believing in that old ritual. Pero kung sa bagay, may point din sila sa ibang parte." Sumeryoso na siya. "You're going thirty, few months from now. May edad na rin ang mga magulang mo kaya siguro pinipilit ka na nilang magpakasal. Kahit ako nga, eh I'm just going twenty-nine pero pinipilit na rin ako ng mga magulang ko na magpakasal para raw makita nila ang magiging apo sa akin dahil may edad na raw sila," pagkwekwento niya, saka sumubo ng pagkain. "Naiintindihan ko sila sa parteng iyon, Andrea pero sa ngayon I'm not ready to settle down. I'm on the process of fixing myself para ihanda sa lalaking darating sa buhay ko. Isang beses lang ikakasal ang babae at gusto kong gawin iyon sa lalaking mahal ko. And besides, married isn't just a matter of ceremony, it's a ritual of love, giving your whole self, whole life, to the man you choose to be with all your life." Halos hindi ko magalaw ang pagkain ko dahil sa pressure at stress na nararamdaman ko. "You're right, Miles pero the question is kaya mo bang suwayin ang mga magulang mo?" Hindi agad ako nakasagot. Kaya ko nga bang hindi sila pagbigyan sa kahilingan nila para sa akin? Naiintindihan ko ang gusto nila pero ang hirap niyon para sa akin. — NAGULAT NA LANG ako nang makauwi ako mula sa trabaho, nang makita ko ang isang 'di pamilyar na kotse sa harap ng bahay. Kulay itim iyon at nagkikinang pa. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Kaninong kotse naman iyon at bakit nasa tapat iyon ng bahay? May bisita pa sila Mama sa ganitong oras? Nagtataka man, ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at nagpatuloy na sa paglalakad papasok sa bahay. Hindi ganoon kalakihan ang bahay na mayroon kami pero masasabing pinagastusan din iyon ng malaki dahil sa magandang disenyo niyon. Kulay white ang kulay niyon. Dati kasing seaman si Papa kaya nagawa rin naming makapagpundar ng ganoong tirahan. Pumasok ako sa bahay habang kinukuha ang cellphone ko sa shoulder bag na dala ko. "Anak, come here." Napahinto ako at nag-angat ng tingin kay Mama. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang dalawang taong 'di pamilyar sa akin. Ngayon ko lang sila nakita. Kung pagbabasehan ang mga hitsura nila, hindi nalalayo sa edad ni Mama at Papa ang mga ito. Mukhang mag-asawa rin sila. Ngumiti ang mga ito sa akin habang pinagmamasdan ako. "So, ikaw na pala ang anak nitong si Wesley at Emma, hija," marahang sambit ng babaeng iyon na marahil ay nasa edad singkwenta na ngunit hindi iyon mahahalata dahil sa taglay nitong ganda lalo na siguro no'ng kabataan nito. Hindi ako agad nakasagot at naka-react, nanatiling seryoso ang mukha ko. Sino sila? Nang makabawi ako sa gulat, alangan akong ngumiti sa kanila. Binalingan ko si Mama at sinenyasan naman niya akong lumapit at ginawa ko naman. "Hello po! Magandang gabi," magalang kong bati sa kanila. "Kumusta, hija? Mas maganda ka pala sa inaaaahan ko. You're not just beautiful but you look so smart ang mature," komento naman ng lalaking katabi ng babaeng iyon. Simple akong ngumiti. "Thank you po," balik ko. "Si Andrew ang matagal ng kaibigan ng Papa mo at nagkahiwalay lang sila after college dahil sa magkaibang profession nila. At ang magandang babae sa tabi niya ay ang kaniyang asawa na si Mandy," pakilala naman ni Mama sa dalawang iyon. Para akong nabingi nang maalala ko kung sino si Andrew. Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng tuluyan kong mapagtanto kung sino sila. Hindi naman halatang nagmamadali silang ikasal ako para imbitahin agad nila sa bahay ang mga magulang ng lalaking ipakakasal nila sa akin. "I'm so happy to see you, Miles, tama? You're so beautiful like your mother kaya nakakapagtaka nang sabihin sa akin ni Emma na wala ka pa raw nobyo," sambit ng babaeng Mandy ang pangalan. Pilit akong ngumiti. "Wala pa po kasi akong balak mag-asawa," sambit ko para bigyan sila ng ideya sa pwedeng maging sagot ko sa kanila. Nagkatinginan silang apat sa naging sagot ko. "You're going thirty this year, tama? I heard some quotes somewhere that the right age to get married is twenty-five. After you graduates, got your worked, stable income. It's time for yourself naman, hija," ani naman ng lalaking Andrew ang pangalan. Ngumiti ako kahit alam kong hindi iyon umabot sa mga tainga ko. "For me po, the right time to get married is when you're ready, when you're heart ready to give it all to the man you choose. Kapag handa ka ng isuko ang sarili mo for a lifetime commitment," sagot ko. Tahimik lang si Mama at Papa pero alam kong tinitingnan na nila ako. Alanganin pa silang ngumingiti sa mag-asawa dahil sa mga sinasabi ko. "Well, you're right hija. Pero sa totoo lang, kami ni Andrew hindi namin mahal ang isa't isa nang ikasal kami. We are a product of arrange marriage because of our family businesses. Sino bang mag-aakalang magwo-work iyon at mauuwi sa tunay na pag-ibig? Alam mo, hija getting married in your thirties will give you some stress. Mahihirapan kang i-handle ang sarili mo to get pregnant," aniya pa ng Mandy ang pangalan. "Mandy's right, anak," pagsang-ayon ni Mama. "Tingnan mo ang iyong Tita Mandy at Tito Andrew, hindi nila mahal ang isa't isa nang ikasal sila pero look how strong the bond between them." "I'm sorry, hija kung napi-pressure ka sa kasunduan ng pamilya natin," sambit ni Andrew. "May oras ka para mag-isip, hija. I know how stressful it is for you. Ramdam mo iyan noon pero kung ayaw mo talagang makasal sa anak namin, walang problema. May kalayaan ka pa ring pumili," dagdag pa niya. "Tama si Andrew, hija pero subukan mo ring kilalanin ang anak namin na si Zandy. He will going back here in Manila and by tomorrow siguro nandito na iyon. Ipapakilala namin sa iyo ang aming anak at saka ka magdesisyon," segunda naman ng asawa ni Andrew. Hindi ko inasahan ang sasabihing iyon ng mag-asawa. Akala ko'y pipilitin pa nila akong magpakasal sa kanilang anak pero mukhang may concern sila sa nararamdaman ko dahil dinanas din nila ang ganito. Buo na ang desisyon ko ngayon pa lang na ayaw kong magpakasal sa anak nila. Pero hindi ko maiwasang hindi ma-curious sa hitsura ng lalaking iyon. Gwapo ba ito o pangit? Dugyot o mabango? — "HOY! PANGIT! Gising na! gising!" Mabilis akong bumangon sa higaan ko nang marinig ko ang malakas na pagsalita ng alarm clock ko. Nakasimangot akong napakamot sa ulo ko. Gusto ko pang matulog. Napuyat na naman kasi ako sa kakaisip tungkol sa kasal na iyon na inihahanda ng mga magulang ko para sa akin. At ang nakakatuwa pa nito ipinakilala na agad ako sa magulang ng kung sino mang lalaking iyon. Muli akong humiga sa kama at nagpagulong-gulong roon habang ginugulo ko ang buhok ko. Naiinis ako! Bakit ba excited silang ikasal ako? Ni hindi nga pumasok sa isip kong magpakasal kahit pa ma-thirty na ako. Hindi ba nila kayang hintayin na ako mismo ang magsabi ng magpapakasal na ako? "Haist!" inis kong reaction. Umupo muli ako sa kama. Kung makikita ko lang siguro ang mukha ko baka mukha na akong mangkukulam sa hitsura ko. Mayamaya nagpasiya na rin akong bumaba sa kama. Lumabas ako ng silid ko at nagtungo sa kusina. Wala roon sina Mama at Papa pero may breakfast nang nakahain sa hapag. Saan naman kaya nagpunta ang mga iyon? Tiningnan ko lang ang pagkaing iyon at hindi pinansin. Nagpasiya na lang akong maligo dahil pakiramdam ko'y kailangan ko iyon para kahit pa paano'y mabawasan ang stress ko at ng kumalma naman ang pakiramdam ko. Matapos kong maligo, nagbihis na agad ako dahil ilang minuto na lang at male-late na ako sa trabaho. Mabilis kong kinuha ang gamit kong laptop at ang shoulder bag na dala ko. Nagmadali na akong lumabas ng bahay ngunit napahinto ako nang pagbukas ko ng pinto may kotseng nakaparada sa tapat ng gate ng bahay. Kumunot ang noo ko. Kanino naman kaya iyon? Ngayon ko lang nakita ang sasakyang iyon, hindi naman iyon kay Andrea. Kahit nagtataka, nagpatuloy ako sa paglalakad. Binuksan ko ang gate at huminto sa tapat ng sasakyang iyon. Pigil ang hininga ko nang dahan-dahang bumukas ang pinto niyon sa driver's seat. Unang lumabas ang mga paa ng isang lalaki. Naka-white snicker ito at nakasuot ng isang khaki pants. Hanggang sa tuluyang lumabas ang katawan niyon. Hindi ko man aminin pero napatulala ako sa lalaking nasa harap ko ngayon. Artista ba 'to? Dahil kung hindi baka alukin ko siyang maging isang artista dahil sa hitsura niya. Napatingala pa ako sa kaniya dahil sa mas mataas siya ng 'di hamak sa akin. Ang tangos ng ilong niya, ang hahaba ng pilik mata at ang ganda ng kaniyang mga ngipin na mapuputi at pantay-pantay. Naamoy ko rin ang mabangong perfume na gamit niya na ang lakas makalalaki ng amoy. "Hey! Titingin ka na lang ba riyan?" Doon ako napakurap at nabalik sa huwisyo. Napalunok ako ng laway at umiwas agad ng tingin sa kaniya. Seryoso lang siya na nakatingin sa akin habang nakapamulsa. Sino ba ang lalaking ito kilala niya ba ako? "S-sino ka ba? Bakit ka narito? Do I know you, Sir?" tanong ko sa kaniya na hindi makatingin ng diretso sa mukha niya. "Even me, I don't know who you are. Hindi ko nga alam kung bakit nandito ako," mahina niyang sambit. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sinubukan ko uling tumingin sa mukha niya. Damn! Nakakasilaw ang kaguwapuhan niya. Masusi kong pinagmamasdan ang bawat bahagi ng mukha niya at dahan-dahang kumunot ang noo ko dahil utay-utay nagiging pamilyar sa akin ang mukha ng lalaking nasa harap ko. "T-teka! N-nagkita na ba tayo?" nagtataka kong tanong. Tiningnan din ako ng lalaking iyon na walang emosyon ang mukha. "I don't know. Basta ang alam ko hindi kita kilala," masungit na balik niya. "Tama! I-ikaw nga! Teka! Ano'ng ginagawa mo rito, huh? Ang lakas naman ng loob mong pumunta sa bahay ko pagkatapos mong agawin ang boyfriend ko!" Kita ko ang pagguhit ng gulat sa mukha niya. "Ano'ng gusto mong sabihin sa akin? Na masaya ka na kasama ang boyfriend ko habang ako ito nagmo-move on pa rin? Kapal din talaga ng mukha mo, eh, 'no? Talagang nagpakita ka pa sa harap ko," galit kong sambit, sunod-sunod na parang walang preno habang dinuduro pa siya. Napakunot ang noo ng lalaking nasa harap ko habang seryosong nakatingin sa akin. Ngumisi pa siya. "Tama. So, ikaw nga ang babaeng pinagpalit sa kapwa niya lalaki. Well, hindi ko naman kasalanan iyon dahil baka dahil nagkulang ka sa bagay na kaya kong ibigay sa kaniya," makahulugang sambit niya. "Aba't—ang kapal din talaga ng mukha mo para ipamukha sa akin na nagkulang ako at ibinigay mo iyon sa kaniya? Ikaw na! Bakla ka!Umalis ka sa harap ko bago pa umakyat ng tuluyan ang dugo sa ulo ko at hindi kita matantiya. Ikaw na itong nang-agaw ikaw pa 'tong matapang! How dare you!" inis kong balik sa pasigaw na paraan. Napakamot sa noo ang lalaking nasa harap ko dahil sa mga sinabi ko at mukhang hindi siya apektado sa mga narinig mula sa akin. "Do you still love him? Kawawa ka naman pala dahil habang masaya na ang lalaking iyon sa iba, nandito ka still bitter in your past," aniya na lalong nag painit sa ulo ko. "Abat—sumusobra ka na talaga, ah! Huwag mong sabihing porket bakla ka hindi kita papatulan." Wala na akong pakialam kung gumagawa ako ng eksena sa harap ng bahay namin. Naiinis at nagagalit lang talaga ako sa lalaking ito—este bakla na nasa harap ko. "Don't call me bakla or I will kiss you!" "Bak—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang palad niyang hinawakan ang batok ko at marahang kinabig iyon. Napalunok ako ng laway ng makita ko ang malapit niyang mukha sa akin. Parang nanghihina ang binti ko habang sobrang lapit ng mukha niya sa akin. "Affected, huh!" Nakita ko ang pagngisi niya at binitawan ako. "A-affected! Ang kapal mo!" bulyaw ko pa. "Wala ng kwenta ang galit mong iyan, kaya please don't be immature. Don't make a scene here. By the way, I'm not here to provoke you. Hindi ko rin alam kung bakit nandito ako I was just do what my mom told me to do, to pick you up para ihatid ka sa trabaho mo. Miles dela Fuente, right?" biglang marahan niyang sambit. Natigilan ako sa mga sinabi niya. Tinitigan ko muli ang hitsura niya. Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko ang sinabi ni ng babaeng nagngangalang Mandy na nasa bahay nang nagdaang gabi. Hindi kaya, no! "I-ikaw?" hindi makapaniwala tanong ko at itinuro pa siya. Siya ba ang sinasabi nilang Zandy, ang anak ng mag-asawang iyon? Marahas akong umiling-iling. "No! Hindi maaari ito! Hindi pwedeng ikaw ang lalaking ipakakasal nila sa akin. No!" sigaw ko na parang nababaliw na. Napasinghap ang lalaki sa harap ko at napakamot pa sa noo niya habang tila naiinis na sa akin. "Can you stop doing that? Baliw ka ba? Sa tingin mo gusto ko rin 'to? Pareho lang tayong naiipit sa sitwasyong ito," aniya. Sumeryoso ako at kinalma ang sarili ko. Hindi ko kayang tanggapin kung siya man ang lalaking ipakakasal sa akin. Siya na nga ang sumira ng relasyon namin ni Roven at higit sa lahat bakla siya kaya paano ako papayag na magpakasal sa kaniya. "Hindi ako baliw, ok? Pero ngayon, mas gugustuhin ko ng mabaliw kaysa ang makasal sa katulad mo." Bumuntong-hininga ako. "You're gay, anyway kaya huwag ka ng pumayag na magpakasal sa akin. Mandidiri ka lang," pagdi-discourage ko sa kaniya. Napailing siya. "Paano kung pumayag ako? Do you think gay won't get married?" tanong niya. Lumaylay ang panga ko sa sinabi niya. "What?" gulat kong tanong. "Nahihibang ka na ba?" saad ko. Saglit akong pumikit. "I can't take it anymore. Umuwi ka na lang sa inyo at sabihin mo sa mommy at daddy mo na hindi ka magpapakasal sa akin dahil bakla ka, ok?" Mabilis akong tumalikod sa kaniya at bumalik sa loob para sumakay sa sasakyan ko. Hindi naman iyon mamahaling kotse dahil second hand ko lang iyon na nabili. "What If I agree to marry you, Miles?" Napahinto ako nang akmang hahawak na ako sa gate para buksan iyon. Pumikit ako saglit bago tuluyang binuksan iyon at hindi na siya pinansin. Pumasok ako sa loob at agad na sumakay sa sasakyan ko. Ayaw kong ilapit ang sarili ko sa lalaking iyon. Ayaw kong makasal sa kaniya dahil siya lang naman ang sumira ng relasyon ko. Pero paano nga kung hindi siya tumutol sa kasal na iyon? Paano kung pumayag siya? No! Hindi iyon maaaring mangyari. Kakausapin ko siya at kung kailangan kong magmakaawa, gagawin ko para lang hindi siya magpakasal sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD