Nakita ko ang bahagyang pagyuko ni Zandy na pinipigilang hindi ngumiti. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Nagtama ang mga mata namin. Kita ko ang simpleng ngiti sa mga labi niya na ang sarap sa mga mata ko. Hindi ko alam pero 'yong ngiti niya para bang hinahalina akong titigan iyon. "Yes, Tito inaalagan naman po ako ni Miles. Don't worry, kaya ko naman pong kainin ang luto ng anak ninyo. She's trying and I really appreciate it," kaswal na sagot ni Zandy. "Well, that's good to hear that she's taking care of you. By the way, I heard about the accident. Thank you, Zandy for saving my daughter. Kumusta ka na?" baling ni Papa kay Zandy. Naalala ko na naman ang nangyaring aksidente at ang ginawa ni Zandy. Sa tuwing naalala ko iyon hindi ko maiwasang humanga sa kaniya. May kung ano sa puso ko