Unexpected 47: Truth

1382 Words

HINDI AKO mapakali habang nakahiga sa kama ko. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Roven at ang kakaibang inaakto sa akin ni Zandy. Naguguluhan ako sa kaniya habang gumugulo rin sa isip ko si Roven. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang sinabi ni Roven na hindi siya bakla o bi o kung anumang tawag doon. Hindi ko rin maiwasang isipin ang sinabi niyang hindi totoo ang nakita ko no'ng araw na iyon. Bumalik din sa isip ko ang sinabi ni Zandy sa akin noon na mali ako sa nakita ko at namis-interpret ko lang iyon. Kung ganoon, ano pa lang ibig sabihin ng eksenang nakita ko no'ng araw na iyon? Naguguluhan ako at hindi ko alam kung sinong paniniwalaan ko. Ang nakita ko ba o si Zandy at Roven? Bumuntong-hininga ako. Pumikit ako at pinilig ang ulo ko para alisin sa isip ko

New users can unlock 2 chapters for free!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD