Ethan's POV Dire-diretsong pumasok si Tamara sa loob ng kuwarto naming mga lalaki, nasa likod naman nito si Gray na umiiling kasama sina Justine, Stacey, Maaya, at Ericka. Magdadapit hapon na at nandito pa din kami sa bahay ni Nicholas. Si Nicholas ay nakatingin pa din sa pintuan na pinasukan ng mga babae, parang may hinihintay kung sino man. Napangisi na lang ako dahil mukhang alam ko kung sino yun. "Where is my girlfriend?" Nagtatakang tanong ni Nicholas dahil kanina lang ay kasama nila yun. Nakaupo ako sa kama habang inaayos ang pieces ng chess, handa ng maglaro dahil nandito na si Gray. Sina Stan, Rino, Eric, at Blake ay nasa mahabang sofa, si Rhodney at Terrence ay nasa baba nakaupo kung saan nakalatag ang floor mat. Si Nicholas naman ay nakaupo sa upuan at nasa harap nito ang lapto

