Gianna’s POV Kinaumagahan ay umalis na ang mga kaibigan ni Nicholas. Ang tanging naiwan na lang dito ay ang Mama ni Nicholas, si Jessica, si Roi na boyfriend ni Jessica at si Luchielle. I felt like I was being left alone. Nang bumaba ako ay naabutan ko sa sala sina Luchielle at Jessica kasama ang boyfriend nito. Saglit silang napasulyap sa akin at agad din naman akong dumiretso sa kitchen para tulungan si Manang Hilda na pweding gawin. “Good morning Manang.” I greeted her happily. Nginitian niya din ako at binati pabalik. “Si…Nicholas?” Tanong ko nung mapansin na mukhang wala siya dito. “Pumunta sa Villanueva, may aasikasuhin lang Gail.” Nakangiting sagot ni Manang Hilda sa akin. I swallowed hard after she said that. “Matatagalan po ba siya doon?” Alanganin kong tanong. “He is j

