Gianna's POV Napatayo ako sa kinauupuan nung makita ko si Ma’am Jessica na kakadating lang at nasa likod naman nito si Victor na may dalang maraming plastic bag. Agad akong napayuko dahil mabilis dumapo ang titig niya sa amin ni Sir Nicholas. Tumayo na din si Sir Nicholas sa tabi ko at inabot kay Victor ang first aid kit matapos maibaba ang dalang mga plastic para ilagay ito sa drawer, Victor seems confused why Sir Nicholas has first aid kit. Kinuha din ito ni Victor at mabilis na sumulyap sa akin bago nakayukong umalis ng sala. Aalis na sana ako pero mabilis na hiwakan ni Sir Nicholas ang braso ko at hinila sa tabi niya. Takang napatingin ako sa kanya pero mabilis ding napayuko nung dumapo ang tingin niya sa kamay ko. "Who the f**k told you to order Gail washed those stupid clothes!"

