"Nasaan ang boss ninyo? Himala naman yatang nauna ang sasakyan niya kaysa sa kaniya. I mean nasa bahay ang araw-araw niyang ginagamit," agad na wika ni Ginoong Tritts sa manager ng ELITE SPECIAL FORCES. "I'm sorry, Mr Tritts. Pero ilang araw nang hindi pumarito si boss Ace. Bakit, Sir, may problema po ba?" balik-tanong nito. "Sa ngayon ay wala pa. Ngunit kung patuloy na hindi magpakita ang taong iyon ay magkakaroon." Sa kaalamang walang nakakaalam kung nasaan ang anak ay napabuntunghininga siya. "Please forgive me if I'll ask again, Sir. Pero may nangyayari bang masama? I mean about boss Ace." Marahil nakahalata itong panay ang pakawala niya ng malalim na hininga kaya't muling nagtanong. "SA tanong mo ay wala akong maisagot, Hijo. Dahil sa katunayan ay muli lang siyang nagkaganoon si

