Napakislot si Faith Ann nang biglang may brasong pumulupot sa kaniyang baywang. Nasa likod ito kaya't malayang yumakap. Gusto niyang lumayo rito ngunit hindi siya makagalaw. Ibang-iba ang pakiramdam niya sa paglalapat ng katawan nila. Ipinilig pa niya ang ulo dahil sa senaryong sumiphayo sa isipan. Nakakatawa nga lamang dahil parang sabik na sabik din siya sa init na nagmumula sa katawan nito. Aba'y hindi biro ang pitong taon nilang pagkawalay sa isa't-isa. "Do you like it, babes?" Dinig niyang tanong ni Ace ngunit dahil wala siyang kaalam-alam kung ano ang nais nitong tukuyin ay ibinalik niya ang tanong. Nais tuloy niyang batukan ang sarili dahil sumama nga siya rito ng walang pag-aalinlangan. "If you remember way back then, I promised you to bring to my treehouse. We are here finally,

