"How is she?" agad na tanong ng mag-asawang Adams at Gracelyn sa binatang hindi na yata umalis sa tabi ng dalagang walang malay. "Ganoon pa rin po, Tita, Tito. Wala pa ring improvement sa kalusugan niya. Ayon na rin po sa doktor na umasikaso sa kaniya," anito ngunit nanatiling nakayuko habang hawak-hawak ang palad ni Faith Ann. "Anak, huwag mo nang isipin ang sinabi ng mga anak mo. Mga bata lamang sila kaya't huwag mo nang patulan. Aksidente ang nangyari kaya't wala kang kasalanan," ilang sandali pa ay saad ni Ginang Gracelyn na agad ding sinundan ng asawa. "Tama ang Mommy ninyo, anak. Sobra-sobra na nga ang pag-aalaga mo sa kaniya bilang kabayaran sa inaaako mong pagkakamali," anito. Kahit papaano ay naibsan ang bigat sa kalooban ni Ace. Ngunit kahit ano man ang gawin niya ay nakatata

