"I guess you have a good news, hija? May I know about it?" Well, kahit hindi nito sabihin ay alam niyang may magandang resulta ang misyon ng anak. Dahil manatili itong manahimik ay kitang-kita naman sa mukha. Kaya nga ginawa niya ang lahat upang mailabas ito sa kulungan. Kahit nga ang peke nitong pagkamatay ay plano rin nito. "Alam kong nauunawaan mo ang kasiyahan ko ngayon, Dad. Dahil sa katunayan ay ang lintik na iyon ang mismong gumawa ng paraan upang muli akong makalapit sa pamilya Hererra. Her greediness will lead her to death. Dahil kahit asawa niya ang tiyuhin ng batang iyon ay malayong mas mayaman ang ama nito," sagot nitong umaabot sa taenga ang ngiting nakabalatay dito. "Hmmm, mukhang may hindi pa rin ako nalalaman, anak? Akala ko ba ay ang pamilya Hererra ang puntirya mo. Huw

