"Where have you been, Yaya? You are late again," nakasimangot na saad ng anim na taong gulang na bata. "Oh I'm sorry, young master. Matanda na kasi ang Yaya ninyo kaya't hindi na masyadong makakilos," tugon na lamang ng butihing Yaya. Kaso agad ding napatingin sa batang babae dahil napahagikhik ito samantalang halos hindi maipinta ang mukha ng kambal. "Hmmm, mukhang may good news ka, lady Mildred?" Baling tuloy ng Yaya. "Wala po, Yaya. Ah, mali po pala. Natawa lang ako dahil sa inyo ni twin brother. Hindi na nga po maipinta ang mukha niya ay ginatungan mo pa. Ikaw po ang Yaya na may mahabang buhay. Kaya't hindi ka pa po matanda," pahayag nito na wari'y matanda kung magsalita. "Hey, twin sister, there you are again. You are talking again but not according to your age. Will you just act

