"Huwag mo akong tingnan ng ganyan, anak. Dahil sinubukan kong sinabi sa iyo ngunit nanatiling sarado ang utak mo." "Pero kung---" "Anak, iyan ang ibig kong sabihin noon pa man. Kung ano man ang pinag-usapan ninyo ni Sanji noon ay hindi ko pinakialaman. Dahil alam ko namang nasa tamang pag-iisip ka. Malaki ang tiwala ko sa iyo, Ace anak. Ngunit pagdating sa pag-ibig ay ikaw lamang ang makakasagot diyan." "Dad, alam kong nagpabulag ako sa mali kong akala subalit maari bang tulungan mo akong makausap si Faith Ann? Naniniwala akong mapigilan mo---" "Again, I need to interrupt you on your words, son. Dahil sa katunayan ay wala na rito sa South Africa ang mag-iina mo. At huli na rin upang isipin mong habuli sila. You know why? Probably they are up in the sky now. Maaring hindi ako nakalapit

