CHAPTER TEN

1219 Words
Sa isang madilim na conference room sa likod ng presinto, ang ilaw mula sa tanging overhead lamp ang nagsilbing ilaw habang nakaupo sa dulo ng lamesa si Major Carlos, nakasandal sa upuan at mariing nakatitig sa tatlong tauhan niya sa harapan. Nakahawak siya sa isang brown envelope laman nito ang kopya ng bagong ebidensya laban kay Angelo Villarin, ang huling CCTV footage kasama si Lyka Vera bago ito matagpuang patay. Ang apelyido pa lang na "Villarin" ay sapat na upang tumigil sa paghinga ang sinuman. “Magsitahimik muna kayo at makinig sa akin,” malamig na panimula ni Major Carlos. “Simula ngayon, ititigil na natin ang anumang imbestigasyon laban kay Angelo Villarin. Naiintindihan niyo ba?” Napatinginan ang mga pulis sa isa’t isa. Isa sa kanila ang naglakas-loob magtanong. “Sir, may ebidensya po at mukhang konektado talaga siya. Hindi ba’t—” “Gusto mong ikaw ang ma-suspinde?!” singhal ni Carlos, madiin ang pagkakatungtong ng palad sa mesa. “Alam mo ba kung sino ang tinutukoy mo? Alam mo ba kung ilang proyekto ng Villarin Group ang pinopondohan ang mga operasyon natin? Wala silang kinalaman sa pagkamatay ni Ms. Vera. Magkarelasyon lang sina ni Angelo Villarin, that’s it. Nagpakamatay ang babaeng yun at yun ang isipin ninyo. This is all nonsense. Nasisira ang pangalan nila dahil sa ginagawa natin.” Tahimik. Wala ni isa ay walang kumibo sa sinabi niya sa kanyang mga kasamahan. “Ito ang sasabihin ninyo…Sabihin niyo sa media, sa report, at sa sinumang magtatanong. “Yes, nagkita si Angelo at Lyka. Pero pagkatapos ng pagkikita nila, umuwi na si Angelo sa bahay nila, verified ng security at household staff.” “Eh, sir, ang footage?” “Ibabaon. Hindi lalabas. Kung sino man ang naglabas niyan, ay hahanapin natin, pero sa ngayon… i-divert ang imbestigasyon. Gamitin ang dating kaso ni Lyka sa isang ex-boyfriend niya. May entry siya sa blotter noon, ‘di ba?” “Oo, sir. May kaso ng harassment dati sa isang lalaking taga-Cavite.” “Perfect.” Napangiti si Major Carlos…“I-reopen ‘yon. Ibalik ang narrative. Sabihing posibleng may kinalaman ang lalaking ‘yon sa pagkamatay niya. Hindi si Angelo.” Isa sa mga pulis ang bahagyang umiling. “Paano kung bumalik ang anonymous source? O kung may press na kumalat?” “Kayo na ang bahala diyan. Lahat ng press na lalapit—pupunuin niyo ng teknikalidad. Palabasin n’yong hindi sapat ang ebidensya. Kung may tumuloy pa, ako na ang bahala.” Mag-isang nakaupo si Major Carlos, habang tinititigan ang larawan ni Angelo sa isang case file. Kinuha niya ang telepono at nag-dial. “Sir Alejandro,” aniya, tahimik pero mariin. “Ayos na. Hindi lalabas ang pangalan ng anak mo.” ******************* NAKAHINGA ng maluwag si Alejandro sa tawag ni Major Carlos. “Sabi ni Major Carlos, nalinis na raw ang pangalan ni Angelo,” ani niya, habang maingat na inilapag ang hawak sa mesa. “Pero Alejandro, paano kung paano kung siya nga ang may kasalanan? Paano kung siya nga ang pumatay kay Lyka?” Tumitig siya sa asawa, at sa halip na kaba o pagkabigla, ang bumungad sa kanyang mukha ay malamig na kawalang-pakialam. “So what?” malamig niyang sagot. “Kahit sino pa ang patayin ng anak ko, anak ko pa rin siya. At hindi siya makukulong.” Napasinghap si Criselda. Hindi siya makapaniwala sa narinig. “Alejandro… hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi mo? Isang buhay ang nawala. At kung anak mo ang may kinalaman sa pagkamatay ni Lyka, hindi ba dapat—” “Hindi dapat?,” putol ni Alejandro… “Makinig ka sa akin, Criselda. Hindi tayo tulad ng ibang pamilya. Hindi pwedeng basta-basta pasukin o gibain ng kahit na sino ang pamilya natin kaya tumigil ka. Anak mo rin si Angelo at ginagawa ko ang lahat para sa kanya… “Pero—” “Stop it!” bulong niya, mas madiin ang boses. “Alam mo kung sino ang may kontrol dito. Tayo. Ako. At kung si Angelo man ang may kasalanan, wala akong pakialam. May mga tao tayo mismo ang nagpapasweldo para burahin ang ebidensya, patayin ang ingay, at gumawa ng ibang istorya. That’s how power works, Criselda. Masyado ka lang nagiging emosyonal. Itigil mo na ‘yan. Isipin mo kung anong mawawala sa atin kapag bumagsak si Angelo. Ang negosyo, ang pangalan natin, ang lahat. Mas pipiliin mo bang maniwala sa patay kaysa sa sariling anak?” Natahimik si Criselda. ******************* BIGLANG nabasag ang tunog ng nabasag na baso. Nalaglag ito mula sa kamay ni Zenaida, nanginginig sa galit habang hawak pa ang kanyang cellphone. “Uulitin mo nga?!” sigaw niya sa kausap sa kabilang linya. Namumula ang kanyang mga mata at lumalalim ang kanyang paghinga. “Maam… hindi sapat ang footage. Oo, kita si Angelo, pero wala raw konkretong ebidensya na siya ang pumatay. ‘Yun daw ang official statement…” “Putang—!” Muntik niyang ihagis ang telepono sa dingding pero pinigilan siya ng sarili. Pinatong niya ito sa mesa habang mariing nakapikit, pilit kinakalma ang sarili… Nanginginig ang kanyang mga kamay ng mga oras na iyon. She moved around the room like a restless lion that is imprisoned in anger. She could see the smiling face of Lyka in her memory that was once full of life and dream and now turned into a name written on a stone. “Lintek na sistema…” bulong niya, punong-puno ng poot. “Kita sa CCTV na si Angelo ang huling kasama ni Lyka, tapos sasabihin nilang hindi sapat ‘yon? Sapat na ‘yon sa akin para tagpasin ang leeg ng hayop na ‘yon!” Pilit niyang tinignan ang mga papel na pinadala ng source niya—mga screenshot ng footage, timeline, at isang sulat-kamay na memo mula sa loob…“Case closed. Redirect to the previous suspect.” “Redirect?!” Tumaas ang boses ni Zen, pinunit ang papel at itinapon sa ere. “Sino’ng niloloko niyo?!” Napasandal siya sa pader, pinisil ang sariling sentido habang umiiyak sa galit. “Lyka..” Nanginginig ang kanyang tinig. Muling bumigat ang dibdib ni Zen. Sa kabila ng lahat ng luha at sakit, may isang bagay lang ang hindi nawala sa kanyang puso, ang matinding pagnanais na pagbayarin si Angelo Villarin. “Hindi ka pwedeng makaligtas,” bulong niya, mariin ang tinig. “Kahit ilang pulis pa ang bayaran mo, kahit ilang opisyal ang ikutan mo, kahit ilang ulit mo pa ang baluktutin ang katotohanan hahabulin kita Angelo Villarin.” Tumayo siya at lumapit sa kanyang table. Binuksan niya ang laptop at muling sinuri ang lahat ng file na may kinalaman sa kaso ni Lyka. Mga CCTV footage at ilang dokumentong nakuha ni Harry. She screwed her eyes up and tried hard not to cry. However the stench of wrath exceeded all frailty. Who will do it, so far as I do not? she said under her breath. This is not over by the ruling that he would not be imprisoned. The fact is… that is where battle really starts.” Kung hindi siya maririnig sa korte, hahanapin niya ang media. Kung pipigilan siya ng media para hindi makapagsalita, lalapit siya sa mga taong may kapangyarihang hindi nabibili ng pera… She is ready to go beyond justice and vengeance.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD