“Zen,” bulong ni Angelo habang inaayos ang kuwelyo ng kanyang suit. “My father’s here. Gusto kong makilala mo siya.” Napalingon siya sa direksyong tinitingnan niya. Isang lalaking nasa late 60s, nakasuot ng tailored na dark blue na suit, may buhok na may bahid ng puti, at may mga matang matatalim na parang laging may binabasang intensyon sa mukha ng kausap pero hindi siya nagpakita ng pagkasindak dito. Taas noo siyang humarap sa ama ni Angelo.. Hindi pa man sila pinapakilala, alam niya na ito ang tipo ng lalaking hindi madaling magtiwala. Lumapit ito sa kanila, mabigat ang bawat hakbang. Parang bawat paglapit ay sinusukat ang halaga ng sinumang nasa paligid. “Pa, this is Zen,” pakilala ni Angelo. “Zen, my father—Alejando Villarin.” She offered her hand, trying to keep her voice steady.

