SA isang Italian restaurant sa Makati, nasa isang table si Angelo kasama si Zen. Isang linggo rin silang hindi nagkita dahil sa sobrang busy niya. Napakaganda ni Zen ngayong gabi, ang suot nito ay kitang- kita mo ang ganda ng katawan nito at hindi gaya ng mga babaeng nagdaan sa kanya, hindi ito demanding, hindi nga ito tumatawag sa kanya kung hindi siya tatawag. Iyon ang namimiss niya sa babae. Siya ngayon ang naghahabol dito. Ang ipinagtataka niya lang ay ayaw ni Zen ng commitment. Pakiramdam niya ay takot ito sa relasyon kahit pa siya naman ang una sa buhay nito. Nakangiti si Zen habang sinusubukan tikman ang kanyang inorder para dito. “This is really good. Hindi ko in-expect na may taste ka pala sa ganito.” Napangiti si Angelo. “Huwag mong minamaliit ‘yung training ko sa food appre

