“SKILLS Lab later? Microsurgery under Dr. Astrid Mendoza.” Tinanguan ni AJ si Jack dahil puno ang kanyang bibig ng pagkain. Nasa hospital cafeteria sila ng kaibigan kasama si Cathy. Hindi sila maituturing na malapit na malapit na magkaibigan ni Cathy ngunit hindi rin naman maituturing na hindi maganda ang kanilang relasyon. Nakapareha ni Jack si Cathy sa isang pasyente kaya paminsan-minsan ay nakakasama nila ang babae sa pagkain. Nitong mga nakaraang araw ay madalas sila sa skills lab dahil kakaunti ang surgical cases, kung hindi emergencies ay electives. Nasa bakasyon din si Dr. Torres kasama si Dr. Mathias Mendoza kaya hindi siya makabuntot-buntot sa dalawa. “Nagbabaon ka ba talaga ng lunch everyday?” tanong ni Cathy kay AJ, bahagyang nababaghan ang ekspresyon ng mukha habang nakatin

