“SALAMAT sa pagsama mo rito hija.” Nakangiting saad sa akin ng mommy ni Kamahalan.
Ngumiti rin ako ng matamis. “Walang anuman po, ma’am,” sabi ko.
Katatapos lang kasi ng Medical Mission na isinagawa nila sa bahay-ampunan. Aminado rin akong nag-enjoy ako nang husto sa pagsama at pagtulong ko sa kanila. Nakakaawa nga ’yong mga bata, kasi katulad ko ay wala na rin silang mga magulang. Ang ipinagkaiba ko lang sa kanila, kasama ko pa ang kuya ko kung kaya’t hindi ko maramdaman na nag-iisa na lang ako sa mundo. Pero sa kabilang banda ay maswerte pa rin naman sila dahil may tahanan silang nasisilungan at natutulugan. May mga tao ring kagaya ni Mrs. Amorez na handang tumulong sa mga batang ito.
“Doc, kailangan n’yo na pong bumalik ng hospital at may appointment po kayo mamayang two o’clock.” Putol ni Hermes sa pag-uusap namin ni Ma’am Lucy.
“Well, paano hija, I’ll go ahead. And I hope this is not the first and last we see each other. Mag-iingat ka.” Anito at muli pa akong niyakap pagkatapos ay hinalikan ang aking pisngi.
“Mag-iingat din po kayo, ma’am!”
Tuluyan na rin itong nagpaalam sa akin maging sa mga madre. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makasakay sa kotse. Mayamaya ay hinanap naman ng paningin ko si Kamahalan. Simula kasi kanina hindi ko na siya nakita. Baka naman umalis ng walang paalam?
“Let’s go. Ako na ang maghahatid sa ’yo pauwi.” Untag sa ’kin ni Hermes na nakabalik na pala sa tabi ko.
“Huh? Ahhh—” tatanggi na sana ako kasi nakakahiya rito.
Pero bigla naman ako nitong hinawakan sa palapulsuhan ko. “Let’s go. Iisa lang naman ang uuwian natin, e!” anito.
Wala na rin akong nagawa nang hilahin na ako nito palapit sa sasakyan nito at pagbuksan ako nito ng pinto.
“Salamat.” Saad ko na lang bago sumakay.
Umikot na rin ito sa driver’s seat at lumulan doon. “Nag-enjoy ako ngayon, Sinag. Lalo na at kasama ka rin.” Nakangiting saad nito sa akin.
Kunot noo naman akong napatingin dito.
“Nah! Don’t give me that kind of look, Sinag.” tumawa pa ito ng pagak. “I’m already taken kaya huwag mong bibigyan ng ibang kahulugan ang sinabi ko sa ’yo ngayon.” Dagdag pa nito.
Mabilis akong napangiti dahil sa sinabi nito. “Akala ko may crush ka sa ’kin, e!” natatawang pagbibiro ko. Ewan, pero mas komportable ako makipag-usap kay Hermes ’di kagaya kay Kamahalan. Lagi kasi siyang nagsuaungit, e!
Tumawa muli ng pagak itong kasama ko. “Ngayon alam ko ng palabiro ka talaga.” Saad nito. “Well, puwede rin naman kung hindi lang ako taken.” Pagsakay nito sa sinabi ko.
“Nag-enjoy rin ako ngayon. Magaan kang kausap at kasama kaysa kay Kamahalan.” Pagkuwa’y nakangusong saad ko.
“You like him don’t you?” tanong nito.
Napatingin naman akong muli sa gawi nito nang marinig ko ang sinabi nito. Nakatuon ang atensyon nito sa kalsada habang nagmamaneho.
“H-huh?” kunwari ay tanong ko.
“Caspian. I know you like Caspian.”
“Paano mo naman nasabi ’yan?” tanong ko pa.
“I saw the way you looked at him... and don’t worry hindi ko naman sasabihin sa kaniya. I can keep a secret, trust me.”
Tumango na lang ako habang hindi ko mapigilan ang ngiti sa mga labi ko. “Oo,” sabi ko. “Kaso... malabo naman na magkagusto rin sa ’kin ang kaibigan mo.” Malungkot na saad ko pa saka itinuon ang pansin sa labas ng bintana.
Mayamaya ay nagsalita itong muli. Pero hindi ko naman na naintindihan ang mga sinabi nito. Kunot ang noo na nilingon ko ito. Pero ngumiti lamang ito sa akin at hindi na umimik. Hanggang sa makarating na kami sa parking lot ng building. Nagpahatid pa ako kay Hermes hanggang sa condo ni Kamahalan. Natatakot kasi akong sumakay mag-isa sa elevator, e!
“Bye, Sinag!” nakangiting saad nito nang nasa labas na kami ng condo unit.
“Bye! Salamat ulit sa paghatid.” Kumaway pa ako bago tuluyang pumasok sa loob.
Nakakapagod pala ang araw ko ngayon! Saka ko lang din naramdaman ang sakit sa likod ko. Ang lagkit ko na rin dahil sa pawis kanina. Umupo muna ako sa sofa para saglit na magpahinga. Mayamaya ay pumasok na rin ako sa kuwarto ko at gusto ko ng maligo. Kinuha ko lang ang towel at bihisan ko saka nagpunta sa kabilang banyo. Doon ako maliligo at gusto kong magbabad sa bath tub.
Ilang minuto na akong nakababad sa tubig nang makaramdam ako ng antok kaya ipinikit ko muna ang aking mga mata. Narinig kong bumukas ang pintuan ng banyo pero hindi ko na pinansin ’yon dahil tinatamad akong magmulat. Sobrang pagod talaga ang buong katawan ko ngayon.
Pero mayamaya, awtomatikong napadilat ang mga mata ko nang marinig kong may sumisipol sa paligid ko. At ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Nanlaki ang mga mata ko!
“Ahhh!”
Sabay pa kaming napasigaw nang makita niya rin akong nasa bath tub. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga sandaling ito. Sa labis na gulat ko ay hindi na ako nakapag-isip nang maayos. Hindi ko alam kung aahon ba ako sa tubig o ilulubog ang sarili ko para hindi niya makita ang katawan ko.
Ganoon din naman siya na hindi malaman kung ano ang gagawin para matakpan ang kahubdan niya.
“s**t! f**k! What are you doing?” pagmumurang tanong niya sa akin. Nagmamadali rin niyang hinila ang shower curtain para iyon ang ipangtakip sa sarili niya “What are you doing?”
“Ano... ano’ng ginagawa mo?”
Sabay pa naming tanong nang makabawi na sa pangyayari.
“Ikaw... ano’ng ginagawa mo? Bakit bigla-bigla ka na lang pumapasok dito?” galit ding tanong ko sa kaniya habang pilit na inilulubog ang sarili ko sa tubig. Buti na lang at puro bula ang tubig, dahil kung hindi, makikita niya talaga ang buong katawan ko. Buwiset na lalaki!
“s**t! Did you know how to lock the door, huh?” galit ding tanong niya sa akin. “Alam mo namang hindi lang ikaw ang tao rito hindi ba?”
Kita ko ang pag-igting ng panga niya habang matalim ang tingin sa akin.
Oo nga pala! Nakalimutan kong mag-lock ng pinto kanina. E, malay ko ba na papasok siya rito! Sa pagkakaalam ko kasi, hindi siya gumagamit sa banyong ito at may sarili naman siyang banyo sa kuwarto niya!
“Ahhh! Ang sabihin mo... nangbubuso ka lang talaga! Ang bastos mo! Lumabas ka na dali.” Sigaw ko sa kaniya.
“At ako pa talaga ang nangbubuso? E, ikaw nga itong nakita lahat ng katawan ko. Tss!” napailing pa siya at mas lalong niyakap sa katawan niya ang kurtina.
“Ang kapal mo!” ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko dahil sa sinabi niya. Napalunok pa ako nang sunod-sunod nang rumihistro ulit sa isipan ko ’yong nakita ko kanina lang. Napaismid ako sa kaniya. “Tss! Akala mo naman malaki ’yang ano mo? E, para ngang bulate! Labas na dali.” Dahil sa inis ko hindi ko na napigilan ang paglabas n’on sa bibig ko.
Nakita ko naman ang pagsasalubong ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ko.
“What?” galit na tanong niya. “This?” itinuro pa niya ang ibabang parte ng katawan niya na nababalot pa rin ng shower curtain. “Sasabihan mo na parang bulate? Crazy! Baka hindi mo kayanin.” Inis na pagmamayabang pa niya habang hindi pa rin naghihiwalay ang mga kilay niya.
Bigla akong natigilan dahil sa mga sinabi niya. Lintik talaga ang lalaking ito! Ang bastos ng bibig. “Ahhh! Labas na! Labas na!” Sigaw ko na lang para hindi niya mapansin ang kaba at pagkabalisa ko dahil sa pangyayari at sa mga sinabi niya.
Diyos na mahabagin! Virgin pa ako at sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakakakita ng sausage. Ngayon lang!
Napapikit ako nang mariin nang makita kong binitawan niya ang kurtina kaya lumantad na naman sa inosente kong mga mata ang dapat ay hindi ko makita. Narinig ko pa siyang tumawa ng nakakaloko!
“Bulate pala, huh!” aniya saka siya tumalikod at lumabas ng banyo.
Napapikit akong muli nang makita ko ang puwet niya. My God! Ang kinis at ang tambok ng puwet niya. Dinaig pa ako!
Muli kong naramdam ang pag-iinit ng buong mukha ko. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang—basta! My God! Paano ako lalabas dito? Paano ko siya haharapin mamaya? Nakakahiya talaga!
“Waaa! Sinag ’yong mga mata mo kawawa.” Naiiyak na bulong ko sa sarili.
“SIR, OKAY na po ’yong shower n’yo sa banyo.” Saad ng lalaki na nag-ayos ng shower niya.
Nasa kusina ako at nagluluto ng haponan. Simula kanina ay hindi pa rin ako makatingin nang maayos sa kaniya sa tuwing kakausapin niya ako. Hiyang-hiya pa rin ako sa mga nangyari kanina sa loob ng banyo. Hindi pa rin ako maka-move on sa mga nangyari. At kapag naiisip ko ’yon... awtomatikong nag-iinit ang mukha ko!
Nako, Sinag, nakakita ka na ng daan papuntang langit! Ugh, ewan at kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko! Pero mayamaya ay napangiti ako dahil sa naisip ko! Baliw na talaga ako dahil sa mga nangyari.
“Smiling alone?”
Nagulat ako nang marinig ko ang boses niya sa likuran ko.
“Tss!” ngumiti pa siya sa akin ng nakakaloko.
“Bakit ba? Masama kung ngumiti mag-isa?” mataray na tanong ko sa kaniya habang hindi ko magawang tumingin nang diretso sa kaniya.
“Yeah! Lalo na at alam ko kung ano ang dahilan ng pagngiti-ngiti mo Riyan.” Saad niya.
Napalingon ako sa kaniya. Naroon pa rin ang nakakainis niyang ngiti. Napaismid akong muli.
“Mukha mo!”
Tumawa siya nang malakas. Nang-aasar ata sa akin!
“Ano’ng nakakatawa, huh?”
“You!” sagot niya na tumatawa pa rin.
Nako! Kung hindi lang ako naiinis sa kaniya, maa-appreciate ko pa siguro ang tawa niya dahil ngayon niya lang ’yon ginawa. Pero buwiset ako sa kaniya! Walang-hiya siya!
“Bulate pala, huh!”
“Puwede bang—”
“What? Gusto mong makita ulit?”
Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Mas lalong kumulo ang dugo ko sa kaniya. Wala sa sariling dinampot ko ang kutsara at ibinato ko iyon sa kaniya. Pero nakailag naman siya.
“Ahhh! Baliw! Ang manyak mo! Lumayas ka nga sa harapan ko at baka ibato ko sa ’yo itong kutsilyong hawak ko.”
Natigilan naman siya sa pagtawa at nagmadaling lumabas ng kusina.
“Walang-hiya!” inis na saad ko.
“KAKAIN NA!” sigaw ko sa kaniya matapos maghain ng pagkain sa lamesa.
Nang pumasok siya sa banyo, nakita kong katatapos niya lang maligo. Basa pa ang buhok niya at amoy na amoy ko ang shampoo at sabon na ginamit niya.
“Join me,” sabi niya nang makaupo na siya sa kabisera.
Napatitig ako sa kaniya. Ano’ng silbi ng kontrata niyang bawal lumapit sa kaniya? Pabago-bago talaga ang ugali ng sungit na ito, e!
“Dali na at baka magbago ang isip ko at ubusin ko lahat ng niluto mo.”
Wala na akong nagawa at kaagad akong tumalima para umupo sa kabilang upuan at kumain na rin.
“I told you na huwag mo ng kakausapin ulit si Hermes,” sabi niya habang kumakain na kami.
“Bakit ba kasi?” tanong ko.
“Basta gawin mo na lang!” aniya. “At dahil sinuway mo ako kanina, dagdag ka ng one thousand.” Seryosong saad pa niya.
Nabitawan ko naman ang kubyertos na hawak ko at magkasalubong ang mga kilay na tumitig ako sa kaniya. “Seryoso?” naiinis na tanong ko.
“Do I look like I’m kidding?” sa halip ay balik na tanong niya.
“Grabe ka naman sa ’kin, Kamahalan! Ang laki na nga ng utang ko sa ’yo, e!” pagrereklamo ko. “Para ka namang namumulubi sa pera kung maka-demand ka—”
“Plus one thousand for complaining right now. Magkano na ba lahat? Eight—”
“Oo na! Sige na! Mukhang pera.” Naiinis na saad ko na lamang sa kaniya para putulin ang pagsasalita niya. “Baka may extra job ka pa riyan? Papasukin ko na rin para naman mapabilis ang pagbabayad ko sa UTANG ko sa ’yo.” Iritang saad ko pa saka nagpatuloy na sa pagkain ko.
“You want more, huh? Well, I’ll think about it kung ano ang magandang trabaho na mapapabilis ang pagbayad mo sa ’kin,” sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.
Hindi ko na lang siya pinansin at tahimik na kumain.
“SINAG, TULUNGAN na kita diyan!”
Bungad sa ’kin ni Kaloy nang makita ako nitong nagbubuhat ng sandamakmak na basura.
Katatapos ko lang kasi mag linis sa condo at heto, kahit takot ako at kinakabahan na sumakay mag isa sa elevator pinilit ko pa rin para lang makababa sa ground floor at ilagay sa storage area ang mga gamit na puwede pang pakinabangan.
“Salamat, Kaloy!” nakangiting saad ko rito. Isa ito sa mga janitor dito na nakilala ko. Mabait naman ito sa akin kaya walang problema.
“Dapat tinawag mo na lang ako para ako na ang nagbuhat nito pababa.” Anito.
“Nako! Kaya ko naman, e! Salamat ulit.” Nakangiti pang saad ko.
“Teka! May dumi na rin ang buhok mo.” Anito saka lumapit sa akin at may kung ano’ng kinuha sa buhok ko.
“Panget!”
Bigla naman akong nagulat nang marinig ko ang galit na boses na iyon. Napalingon kami pareho ni Kaloy sa may elevator. At doon ay nakita ko ang galit na hitsura ni Kamahalan. Magkasalubong na naman ang mga kilay niya. Pagkatapos ay malalaki ang kaniyang mga hakbang na ginawa para lapitan ako. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hawakan sa kamay at hilahin pabalik sa elevator.
“Aray ko naman!” reklamo ko nang itulak niya ako papasok sa loob niyon. Awtomatiko pa akong napakapit sa bakal sa gilid niyon nang umandar na ito pataas.
Isinusumpa ko talaga ang lahat ng elevator! Dahil dito lagi akong nahihirapan, e!
Pagkarating namin sa itaas, kinaladkad na naman niya ako palabas at pabalik sa condo niya. Ano na naman ba ang problema niya at sobrang pagsusungit na naman sa akin?
“Go inside.” Mariing utos niya sa ’kin pagkabukas niya ng pintuan.
Agad naman akong tumalima papasok.
“What are you doing?” galit na tanong niya habang nakapamaywang sa harapan ko.
“Ang alin na naman ba?” seryosong tanong ko. Wala naman kasi ako maalalang ginawa ko na labag na naman sa kaniya o sa patakaran niya!
“Why are you out there and talking to that guy?” mariin at galit na tanong niya.
Nangunot naman ang noo ko. Nagtataka na talaga ako sa lalaking ito! “Tinulungan lang naman ako ni Kaloy na magtapon ng basura. Ano naman ang masama roon?” tanong ko rin sa kaniya.
Teka nga! Nagseselos ba siya kaya ganiyan at galit siya tuwing may kausap akong ibang lalaki? Pero, malabo, e! Huwag kang mag-isip ng ganiyan, Sinag. Masama ’yan sa puso! Nag a-assume ka!
Kunot noo ko siyang tinitigan. Kahit medyo dim ang ilaw ngayon sa sala ay hindi pa rin maikakaila ang galit sa mukha niya na naaaninag ko ngayon.
“Damn it.” Galit na saad niya at walang sabi-sabi ay hinablot niya ang kamay ko kaya napalapit ako sa kaniya. Ang bilis ng pangyayari... basta ko na lang naramdaman ang paghawak niya sa magkabilang pisngi ko at dagling sinakop ng mga labi niya ang mga labi ko.
Nabato na naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa niya! Sa labis na gulat ko, hindi agad ako nakapag-react. Basta, nakita ko na lamang ang pagpikit ng mga mata niya habang angkin niya ang mga labi ko. Ramdam ko ang pagkagat niya ng bahagya sa pang-ibabang labi ko kaya napasinghap ako.
Gusto ko siyang itulak palayo! Pero hindi ko naman magawa. Bakit siya nanghahalik na lang basta-basta? Hindi porket gusto ko siya ay basta na lang ako papayag sa gusto niya? Pero pakiramdam ko nawala lahat ng lakas sa katawan ko at hindi ko magawang kumilos para magprotesta. Pakiramdam ko hinihigop niya lahat ng lakas ko. Parang pakiramdam ko... gusto ko ang halik niya!
Sa huli ay napapikit na lang din ako at hinayaan ang sarili na namnamin ang sarap ng halik na ibinibigay niya sa akin. Ang init at lambot ng mga labi niya na nakakaadik ngang talaga!
Mayamaya, naramdaman kong pinakawalan niya ako at lumayo ang mukha niya sa mukha ko. Kapwa habol namin ang paghinga nang magbitaw ang mga labi namin.
Walang reaksyon na tinitigan ko siya sa mga mata niya.
“Don’t give me that kind of look, panget.” Saad niya saka napahilamos ang sariling mga palad sa mukha niya at nag-iwas ng tingin sa akin.
Akala ko aalis na naman siya matapos niya akong halikan. Pero nanatili siya.
“B-bakit mo ginawa ’yon?” wala sa sariling tanong ko sa kaniya. Napahawak pa nga ako sa labi ko.
Isang seryosong tingin naman ang ipinukol niya sa akin. Mayamaya ay bigla siyang naging maamo sa paningin ko. Malamlam ang mga mata niyang tumitig sa akin.
“Because... I-I’m jealous, okay?” sagot niya at napahawak pa sa batok niya.
Ano raw? Jealous? Ano nga ulit ang tagalog n’on? Selos hindi ba? Siya nagseselos? Pero bakit?
Halo-halong pakiramdam ang naramdaman ko sa mga sandaling ito. Tuwa. Galak... na hindi makapaniwala na parang iwan. Totoo ba? Nagseselos ang isang Caspian dahil sa nakikipag-usap ako sa ibang lalaki? Gusto niya na rin ako?
“I said beacuse I am jealous, panget.” Naiinis na ulit na saad niya sa akin nang hindi ako umimik at nakatitig lang ako sa kaniya.
“Narinig ko,” wala sa sariling sagot ko.
Nagkibit-balikat naman siya na parang naghihintay sa sasabihin ko. “Then what?” tanong niya mayamaya.
“A—”
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.
“Tss!” aniya at muli akong hinatak at hinalikan ulit sa mga labi ko.
Ang sarap! Naaadik na talaga ako sa mga halik niya sa akin.
Ilang segundo lang, pinakawalan niya ako ulit at tinitigan ulit ng seryoso sa mga mata ko. Hawak-hawak niya pa rin ang magkabila kong pisngi.
“You need an extra job para makabayad ka sa ’kin hindi ba?” tanong niya.
Napalunok naman ako ng laway ko kasabay ng pagtango ko sa kaniya. Parang nanghihipnotismo ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Diyos ko!
“Then, be my girlfriend Sinag at kalilimutan ko lahat ng utang mo sa ’kin... pati ang interest n’on.” Seryosong saad niya.
Mas lalo akong natahimik dahil sa mga sinabi niya. Girlfriend? Ako? Jojowain niya?
Be my girlfriend.
Be my girlfrined.
Nag-echo na iyon sa utak ko habang hindi ko maalis ang mga mata sa kaniya.
“Puwede bang pag-isipan ko muna?” iyon talaga ang lumabas sa bibig ko.
Oh, my God! Seryoso ka, Sinag? Sa lahat ng puwede mong sabihin, iyon pa talaga ang sinabi mo.
Biglang sumilay ang ngiti sa mga labi niya. “Tss! Silly girl.” Aniya saka ako kinabig at dinala sa dibdib niya. Niyakap niya ako nang mahigpit.