14th Chapter

1925 Words
NAGULAT si Tyra nang pagbukas niya ng pinto ay sumalubong sa kanya ang halatang iritadong si Dylan. "Dylan." "What took you so long to open the door?" Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. "Come in. Naglalaba kasi ako kaya natagalan ako sa pagbubukas ng pinto." Hinawakan nito ang mga kamay niya. "Dapat kumuha ka na lang ng maglalaba para sa'yo." "May tagalaba ako, Dylan. Naisipan ko lang maglaba ngayon para mag-unwind." Sumimangot ito. "If you want to unwind, you should have just called me. 'Want to go out?" Umiling siya. "Napagod na ko sa ginawa ko." Hinila siya ni Dylan paupo sa sofa, pagkatapos ay pumuwesto ito sa likuran niya at sinimulang imasahe ang mga balikat niya. "Do you feel better now?" malambing na tanong ni Dylan. Tumango siya. "Yep. Thank you, Dylan." "You're welcome," masiglang sabi nito, saka ipinagpatuloy ang pagmamasahe sa kanya. Gano'n ang naabutan ni Colin pagdating nito sa sala. May dala itong tray na may lamang merienda. Halatang nabigla ito nang makita si Dylan, saka siya nito tinapunan ng nagtatakang tingin. Tumikhim siya. "Colin, this is my cousin, Dylan. Dylan, he's my new model, Colin." Dumiin ang pagmamasahe ni Dylan sa mga balikat niya kaya napatingin siya rito. Masama ang tingin ng pinsan niya kay Colin. "Dylan." Kunot-noong nilingon siya ni Dylan. "Tyra, we need to talk." Tumango siya. "Do'n na lang tayo sa kuwarto ko." Binalingan niya si Colin para magpaalam. Nakakunot ang noo nito, halatang tutol sa pagsama niya kay Dylan. Nag-iwas na lang siya ng tingin dito saka siya umakyat sa kuwarto niya kasama si Dylan. "Why is your model living with you?" sita agad ni Dylan sa kanya pagsara pa lang niya ng pinto ng kuwarto niya. "Tumanggi siyang pera ang ipambayad ko sa pagmo-modelo niya sa'kin. Kailangan niya ng matitirhan, at 'yon ang naging deal namin." "Hindi ka nag-iingat, Tyra. What if that guy's a molester?" Natawa siya. "Dylan, kilala ko si Colin. He's a former friend." Kumunot ang noo nito. "Former friend?" "Schoolmate namin siya noon ni Diamond." Napaisip ito. "Colin... don't tell me... siya 'yong matabang Colin?" Natawa siya. Madalas niyang ikuwento si Colin noon kay Dylan. "Oo, siya nga 'yon. Ang laki na ng pinagbago niya, 'no?" "Akala ko, pinutol mo na ang lahat ng ugnayan mo sa nakaraan mo noong college ka." Nawala ang ngiti niya. "Tyra, are you in love with Colin?" "Of course not," tanggi niya, pero may mabigat na bagay naman na dumantay sa dibdib niya. Umaliwalas ang mukha nito. "Then, that's good. Don't let yourself get attached to that guy, Tyra. Ayokong masaktan ka uli." Biglang nag-flash sa isipan niya ang comatosed na si Tyrone. Natakot siya para kay Colin. Dahil sa mga sinabi ni Diamond bago ito nagpakamatay, nagsimula na siyang mag-isip na hindi nga siya nito patatahimikin dahil galit ito sa kanya. Patunay na ro'n ang aksidenteng kinasangkutan ni Tyrone. Hindi niya kakayanin kung mangyayari uli 'yon, lalo na kung kay Colin. Bumuntong-hininga si Dylan, saka siya nito niyakap. "Tyra, you don't need other man to make you happy. Nandito naman ako." Bumuga siya ng hangin. "Dylan, magpinsan lang tayo. Kahit magkapamilya tayo, hindi naman puwedeng habambuhay tayong magkasama." Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "I know." *** TYRA was in full concentration. Dumating na ang huli at pinaka-crucial na bahagi ng painting niya – ang ibabang bahagi ng katawan ni Colin. "Puwede mo nang alisin 'yang tuwalya," sabi niya rito. Nanatiling nakasimangot si Colin. Gano'n na ang itsura nito simula nang manggaling sa bahay niya si Dylan kanina. "Colin." Inirapan lang siya ng walanghiya! Pagkatapos ay walang kaarte-arte at kasere-seremonyang inalis nito ang tuwalya na nakasabit sa baywang nito. Hindi tuloy nito napaghandaan ang pamimilog ng mga mata niya, at ang bahagyang pag-awang ng bibig niya habang nakatitig sa pagkakalaki nito. Again, she wasn't acting like a professional nude painter she was. But she had never seen a shaft as big and as long and as perfect as Colin's! Shame on you, Tyra Penelope Lopez. "Are you going to paint me nude, or you gonna scrutinize me all night?" nanunudyong tanong ni Colin. Tumikhim siya. Sa halos isang dekada niyang pagpipinta ay napahiya siya sa sarili niya. "Magsimula na tayo." Pumuwesto siya sa likod ng canvas niya. Umupo naman si Colin sa puting kama, at pumuwesto gaya ng pose nito noong mga nagdaang gabi. Iguguhit niya ang p*********i nito hanggang sa mga binti nito. Pagkatapos no'n ay finishing touches na lang. Sa wakas ay bumalik na siya sa professional niyang sarili. Kinalimutan muna niya ang nararamdaman niya para kay Colin, at inisip niyang isa lamang ito sa mga modelo niya. Mabilis na nagpapalipat-lipat siya ng tingin sa kanyang modelo, at sa canvas na ginuguhitan niya. Mabilis din ang paggalaw ng kamay niyang gumuguhit. Sinasabay niya ang pagmemorya sa bahagi ng katawan na ginuguhit niya gamit ang mga mata niya, sa galaw ng kamay niya. Tanging ang pagkuskos lang ng gamit niyang charcoal sa canvas ang maririnig sa silid. Sa ngayon ay kitang-kita pa ang p*********i ni Colin sa canvas niya, pero kapag nilagyan na niya iyon ng disenyo ay magkakaroon na 'yon ng ibang anyo. Kahit ginuguhit niya ang sensitibong mga bahagi ng katawan ng isang lalaki ay hinahaluan pa rin niya iyon ng art kaya hindi iyon nagmumukhang malaswa. Iyon ang dahilan kung bakit nakilala siya bilang isang mahusay na nude painter. Nagagawa niyang wholesome ang isang bagay na ituturing na bastos o malaswa. Hindi niya alam kung ilang oras siyang gumuhit pero sa wakas ay natapos niya rin iyon. Napangiti siya habang nakatitig sa canvas niya. Nagustuhan niya ang pagkakaguhit niya sa hubo't hubad na katawan ni Colin. "Puwede na ba kong gumalaw? Nangangalay na ko," reklamo ni Colin. Tumayo siya at nag-inat. "Yes, you can move now. We're done." "Can I see it?" "No, hindi pa 'yan tapos. Ipapakita ko na lang sa'yo ang finished product." "All right." Itinali na nito ang tuwalya sa baywang nito upang pagtakpan ang kahubdan nito. Akala niya ay aalis na ito, kaya nagulat siya nang tumayo ito sa harap niya at namaywang. "Pinsan mo ba talaga 'yong Dylan na 'yon?" Nagtaka siya sa tanong nito, pero sumagot pa rin siya. "Half-sister ng daddy ko ang mommy niya, so that makes him my cousin." "He seems to be overprotective of you." "Dalawa na lang kaming magpinsan ngayon, kaya natural lang na maging overprotective siya sa'kin. Bakit mo naman naitanong?" "I was jealous. Kung umasta kasi siya, parang boyfriend mo himbis na pinsan." "Oh, please. Dylan is my cousin." Tinalikuran na niya ito dahil naaakit siya rito kahit nakatayo lang ito sa harap niya. Dumiretso siya sa worktable niya at kinuha ang Toblerone niya. Pero sa kanyang pagkagulat, inagaw ni Colin ang Toblerone niya. Mabilis nito binalatan iyon. Pero napangiwi ito ng dumikit at natunaw ang tsokolate sa mga daliri nito. "Why are you eating melted chocolates? Ang weird mo," nakangiwing wika ni Colin, saka dinilaan ang hinlalaki nitong may tsokolate. "Nakasanayan ko na lang na kumain ng tunaw na Toblerone kapag stressed ako," paliwanag niya, pero nakatingin siya sa daliri ni Colin na nakasubo ngayon sa bibig nito. Napalunok siya. She was craving for her comfort food and she wanted to eat Colin! Ilang linggo na rin siyang nagpipigil pero mukhang umabot na siya sa limitasyon niya. Magulo ang estado ng damdamin niya. Alam niyang mahal na niya si Colin, pero natatakot siyang mapahamak din ito gaya ng nangyari kay Tyrone. Sa tuwing inaamin niya sa sarili niya ang damdamin niya para kay Colin, saka naman bumabalik sa isip niya ang mga sinabi ni Diamond bago ito nagpatiwakal: "You will never be happy, Tyra." Akala niya, kaya niyang maging mag-isa habambuhay. Pero pinaranas ni Colin sa kanya kung paano maging masaya uli, at hinahanap-hanap na niya ang pakiramdam na 'yon na si Colin lang ang makapagbibigay sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ni Colin at dinala iyon sa tapat ng bibig niya. Pagkatapos ay sinubo niya ang daliri nito at dinilaan ang tsokolate ro'n. At gaya ng ginawa nito noon, hindi rin niya inalis ang tingin niya rito. Colin's eyes darkened. Kitang-kita niya ang matinding pagnanasa at pagkasabik sa mga iyon. "Tyra..." paungol na wika nito. "Colin... I want you to make me forget about everything tonight," pakiusap niya rito sa mababang tinig. Sa gabi man lang na 'yon ay maging makasarili siya at unahin ang kaligayahan niya. At alam niyang maibibigay 'yon ng binata sa kanya. "Tyra, kung inaakit mo ko, papatulan talaga kita. Alam mo namang marupok ako pagdating sa'yo," paungol at tila nahihirapang wika ni Colin. Lumapit siya rito. Hinawakan niya ang pisngi nito, habang ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa abs nito at hinimas-himas iyon. Binigyan niya ng magaang na halik ang binata sa mga labi. "Colin..." Hinapit siya nito sa baywang. Ang isang kamay nito ay naglalakbay na sa ilalim ng shirt niya. "Tyra..." "Rawr. Rawr. Rawr." Bahagya itong lumayo sa kanya para mapagmasdan ang mukha niya. Halatang nagulat ito. "Anong sabi mo?" Napangiti siya. "Rawr. Rawr. Rawr. In your invented language, I love you." Mukhang na-shock si Colin. Ilang segundo itong nakatulala lang. Nang makabawi ay natawa ito na tila ba na-relieve sa ipinagtapat niya. "Raaaaawr!" Natawa siya. "What does it mean?" "It means I'm gonna eat you tonight!" masayang bulalas nito, saka siya binuhat. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong sermunan si Colin dahil paglapat pa lang ng likod niya sa kama ay siniil na agad siya ng halik nito sa mga labi. His kisses were earthshaking, almost reckless. Pero wala na siyang pakialam. Kinabig pa nga niya ang batok nito para palalimin ang mga halik nito. Napaungol na lang siya nang dumikit sa tiyan niya ang kahandaan ni Colin. Habang bumaba ang mga halik nito sa leeg niya ay bumababa rin ang mga kamay niya sa baywang nito. Pagkatapos ay hinila niya ang tuwalya sa baywang nito. "Wild," natatawang bulong ni Colin sa leeg niya gamit ang sexy nitong bedroom voice. "Pero hindi lang ikaw ang wild." Nagulat siya nang bigla na lang punitin ni Colin ang shirt niya, dahilan para magliparan ang mga butones niyon. "Colin! This is my favorite blouse!" reklamo niya. Natawa lang si Colin, saka siya muling siniil ng mga halik sa labi habang inaalis nito ang lock ng bra niya. "Bukas mo na lang ako pagalitan. We're going to have a wild night. Rawr!" anito sa nang-aakit na boses, saka inihagis kung saan ang bra niya. Bumaba ang tingin ni Colin sa ngayon ay hubad na niyang mga dibdib. Kitang-kita niya ang paghanga sa mga mata nito kaya kahit nahihiya siya ay hindi niya tinakpan ang mga iyon. Colin groaned, and the bump on her stomach hardened. "You're perfect, Tyra." Napasinghap siya nang isubo nito ang isa sa mga dibdib niya, habang ang kamay naman nito ay marahang pinipisil ang isa pa. Iginapos niya ang mga kamay niya sa likod nito at bumaon ang mga kuko niya ro'n. She arched her body, and she clasped her legs on his waist, like she always imagined while she was drawing him. She couldn't believe her fantasies were turning into reality now. Natauhan lang siya nang maramdaman ang pagbaba ng kamay ni Colin sa sensitibong ibabang bahagi ng katawan niya. That mere touch brought her to climax. Nainis siya. Hindi siya papayag na siya lang ang nag-e-enjoy. Marahang tinulak niya si Colin. Nagtatakang lumayo ito sa kanya. Walang sabi-sabing bumangon siya at tinulak ito pahiga. Siya naman ang pumangibabaw dito. "I want to be on top," matatag na sabi niya. "Rawr!" Natawa lang si Colin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD