JEMA:
6months na mula nang umpisa ang klase,,naging ok naman ang buhay college ko sa loob ng 6months nakapasok din ako sa varsity kahit ayaw ni papa gusto niya magfucos ako sa pag aaral sabi ko kahit yun lang hayaan niya na ako,buti naman at pumayag siya wag lang daw akong babagsak sa academic,,ang hirap ng si papa lang lagi ang nasusunod sa bahay,nag iisang anak nga ako pera talo ko pa ang robbot na sumusunod sa gusto niya si mama naman walang magawa..kame ni deanna mas naging malapit kame sa isat isa ilang beses na nga niya ako naligtas lalo na nung muntik akong marape dahil ginabi ako ng uwi buti nalang yung way ko yun pala yung way nila pauwi sa boarding house nila kaya natulungan niya ako,,aaminin ko gusto ko na si deanna pero natatakot ako sa pwedeng gawin ni papa kung magkaroon kame ng relasyon,ramdam ko naman ganun din siya sakin pero syempre ayaw ko mag assume,,may mga nanliligaw din sakin pero wala akong gusto sakanila isa na dun si fhen emnas kasamahan namin sa volleyball mayaman siya at bussiness partner ni papa ang daddy niya pero kung anong yaman niya yun din naman ang niyabang niya kaya kahit siguro anong gawin niya hindi ko siya magugustuhan..
hi jema naglunch kana...bati sakin ni deanna nandito kasi kame sa gym ngayon nagpapractice..
hi deans,hindi pa nga e ikaw ba,tara lunch tayo..sagot ko at ngumiti naman siya nang malawak,kaya nginitian ko din,ang cute talaga niya pag ngumiti halos wala nang mata..
tara sabay na tayo susunod nalang daw sila ate bie satin..sagot niya kaya tumango naman ko,,inabot naman niya ang kamay niya para hawakan ko nang makatayo na ako nakasalampak kasi ako dito sa court,,inabot ko naman yung kamay niya hindi namin napansin samin na pala nakatingin yung ibang kasamahan namin kaya nagtiliin silang lahat pakiramdam ko tuloy sobrang pula ng mukha dahil sa mga kantyaw nila...
ayyyyiiiiieeee bagay na bagay oh,,gawong lang talaga ang malakas..sigaw ni ate aly na nakatingin nang nakakaloko samen ni deanna kaya pareho kameng dalawang namumula na..
yeeeeiiiii basta ako gawong lang sapat na..dagdag naman ni ponggay kaya binato siya ni deanna ng water bottle na hawak niya,,pinagtawanan lang naman siya ni ponggay..
edi kayo na ang may forever..sino paba edi yung bestfriend kong baliw..forever agad wala pa ngang nasisimulan..
tse manahimik nga kayong lahat diyan gutom niyo lang yan tara na kumain na tayo..sabi ko sakanila saka hinila si deanna palabas ng gym kaya mas lalong lumakas ang tawanan ng mga teammate at kaibigan naming bully mga baliw talaga..
nasa canteen na kame ng nagsidatingan din sila at may mga nakakalokong tingin at ngiti na naman kaya sinamaan ko sila ng tingin si deanna naman nakakunot na ang nuo haha ang cute niya lang..nag order na din sila nang kanya kanya nilang pagkain,,habang kumakain kame at nagkukwentuhan nagulat naman ako nang may nagsalitang unggoy sa harap namin este si fhen..
so eto palang hampas lupa na to ang dahilan kung bakit ayaw mo akong manligaw sayo jessica..mayabang na sabi niya,makahampas lupa naman to,,siya kaya ang ihampas ko sa lupa napakayabang.
ano naman problema mo emnas..masungit na tanong ko sakanya na nakataas ang kilay,,kainis ang yabang ..
edi yang hampas lupang umaaligid sayo ano pa nga ba..ano bang nagustuhan mo diyan e mahirap naman yan tayo ang bahay jessica,,anong magiging buhay mo sa kutong lupa na yan..sagot niya kaya mas lalong uminit ang ulo ko dahil sa mga sinasabi niya,,dahil ba mayaman siya akala mo pagmamay ari na niya ang lahat..
hoy fhen emnas para sabihin ko sayo hindi ko kailangan ng yaman mo isaksak mo yan sa baga mo,,napakayabang mo makapag sabi nang kutong lupa eh ikaw nga tong mukhang kuto dito sa ibabaw ng lupa,,saka sasabihin ko sayo walang wala ka sa personality ni deanna matalino,humble,mabait,magaling makisama,at pinaghihirapan niya para makamit niya yung mga pangarap niya..eh ikaw anong alam mo magyabang,,tapos gamitin ang pera para lang pumasa ka sa academic,,yaman lang ang meron ka emnas lamunin mo yang yaman mo at umalis ka dito sa earth di bagay ang gaya mo dito..mahabang sinabi ko sakanya,,nag iinit ang ulo ko sa yabang niya para siyang si papa sinasanto ang materyal na bagay ,nakakainis ,akala naman nila madadala nila sa hukay yung yaman na meron sila...
hey jema stop na wag mo nang patulan yang ganyang tao,puro daldal lang naman ang alam niyan...pagpapakalma sakin ni deanna hindi manlang siya nagalit sa mga sinabi ng kutong lupang fhen na to,,napakahaba talaga ng pasensya niya..lalapitan sana siya ni fhen ng humarang si bie..
dont try to touch our friend kundi lalabas kang lumpo dito sa canteen..matapang na pagbabanta ni bie kaya napaatras si fhen,,sa laki ba naman ni bie eh..kaya naghagalpakan kame ng tawa nung nag walk out yung kuto dito sa ibabaw ng lupa..