The next day… Aphrodite's POV Maaga akong gumising para mag bake ng chocolate cake para kay Dylan. Base kasi sa mga dates namin noon, mahilig siya sa chocolates tapos ang favorite ice cream niya ay rocky road. Basta chocolates. Matapos kong lutuin, nilagay ko muna sa mesa tapos umakyat ulit sa kwarto ko para gawin ang daily morning routines ko at pagkatapos, kinuha ko na yung bag ko pati yung paperbag. Anong laman ng paperbag? Isang Soul SL300WB Headphones. Nag research kasi ako online kung anong "coolest gifts for men". Oh diba gumaganito na ako tapos ayun, binili ko na siya. Hindi naman kasi ako sanay sa ganito ay syempre kauna-unahan kong boyfriend si Dylan. Nagpahatid narin ako sa driver namin tapos nilagyan ko ng note ang arm chair ni Dylan na: 'Punta ka sa rooftop'. "Ayyyiiiiee

