Third Person's POV ~~~Friday~~~ Lumipas ang ilang araw, linggo at ngayon ay ang huling araw ng pagiging slave ni Dylan kay Aphrodite. "Paano ba yan master. Nakayanan kong maging slave mo sa loob ng isang buwan at last na ngayon. Ibig sabihin niyan, bayad na ako sa atraso ko?" tanong ni Dylan kay Aphro. "Hmm.. pwede na. Pero since last na ngayon, lulubus-lubusin ko na." "What do you mean master?" Ngumiti lang si Aphrodite tsaka hinila si Dylan patungo sa BTG Room sa school. Nilabas niya sa cabinet ang isang malaking paperbag at inabot kay Dylan. "Ano ‘to master?" "Tingnan mo." Tiningnan naman ni Dylan ang nasa loob. "Dog Suit??? You mean...." Isang full body, dog mascot suit. "Yes." sabay tulak ni Aphro kay Dylan sa banyo. Kahit ayaw ni Dylan, kailangan niya pa ring gawin iyon.

