Sunday, March 23, 20**… Dylan's POV Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa gilid ng mesa at itinapat sa tenga ko at hindi na nag-abalang tignan kung sino man ang nang-iistorbo saking ng ganito kaaga. "Bakit?" (Pinapatawag po kayo ng ama niyo.) "Sabihin mo may gagawin ako ngayon." (Pero importante po raw at dapat ngayon ka na pumunta sa kanya.) "Basta bahala ka na. Ibababa ko na ‘to." (Pero----) Pinindot ko na yung end call. Istorbo eh. Tumayo ako para mag-inat inat ng konti at naalala ko na may tatawagan pa pala ako kaya.. Calling Mahal ko... Corny na kung corny. Angal kayo? (Hello?) sagot niya at parang inaantok pa. "Good Morning." bati ko. (Uy good morning din. Napatawag ka?) "May pupuntahan tayo." (Saan?) "Basta. Maghanda ka ah?" (O sige. Anong

