February 18, 20**,Friday… Aphrodite's POV Napamulat ako sa mga mata ko at kinapa ang phone ko sa table sa gilid na tumutunog. "Hello?" (Lee! Good morning!) "Oh Dee, napatawag ka?" (Gusto ko lang sanang sabihin na hindi muna kita masusundo ngayon kasi may pinapagawa pa si Dad saglit eh at baka matagalan ako. Okay lang ba?) "Oo naman. Sige, kita nalang tayo mamaya." (Oh sige Lee, bye. I love you.) "I love you too." then I hang up. Hayyyy. Sarap talaga ng buhay pag inlove. Bumangon na ako at ginawa na ang daily rituals ko at pagkatapos ay bumaba na para kumain. Nadatnan ko si Tristan dun. "Oh ate, good morning. Halika na, sabay na tayo." "Morning rin. Sina mommy?" "Nauna na sila kasi may pupuntahan pa raw." "Oh okay." tapos umupo na ako at nagsalin ng fresh milk sa baso ko at ku

