[❗WARNING SUPER SPG WITH DETAILED s*x SCENES AND VULGAR WORDS❗] Cassandra POV "WHO are you?" Paasik na tanong ni Ninong Mannox kay Andrei na biglang namutla. "Uh, c-classmate po ako ni Cassandra, sir." Nauutal na sagot ni Andrei. "Nanliligaw ka ba sa kanya?" Lalong pang naging madilim ang mukha ni Ninong Mannox. Lumunok si Andrei. "B-Balak ko pa lang po." Napasinghap ako sa sinagot ni Andrei. Pero mas nagulat ako sa ginawa ni Ninong Mannox. Kinuwelyuhan nya si Andrei. "Hindi mo sya pwedeng ligawan. Naiintindihan mo?" "Ninong, anong ginagawa mo?" Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa braso. Pilit kong tinatanggal ang kamay nya sa kwelyo ni Andrei. Napapatingin na sa amin ang ilang estudyante. Si Nala ay naaalarma na. Si Andrei naman ay lalo pang namutla at nakaguhit na ang ta

