Veronica POV "SIGURADO ka ba talaga dyan sa sinasabi mo Veronica?" Kunot noong tanong ni Leslie. "Yes! Siguradong siguradong ako Leslie. At yun ang gagamitin ko laban kay Mannox kapag nagkaharap kami sa korte." Tiim bagang na sabi ko sabay tungga ng bote ng beer. "Eh may ebidensya ka ba na may relasyon talaga si Mannox at ang inaanak nya? Dahil kung wala, aba girl! Ipapahiya mo lang lalo ang sarili mo sa korte. Hindi pwede dun ang sabi sabi lang at tamang hinala. Baka batuhin ka ng gavel ng judge. Uuwi ka talaga ng talunan at may bukol pa." Masama nyang tiningnan ang kaibigan. "Ano ba Leslie? Napapansin ko kanina ka pa kontra ng kontra sa akin. Kakampi ba talaga kita?" Inis na sabi ko. Kung hindi lang ako dito sa unit nya tumutuloy binato ko na sya ng bote. "Of course kakampi mo k

