Cassandra POV KUMUHA nga ng tatlong tao si Mannox galing sa isang security agency para mag bantay sa bahay para hindi na maulit ang nangyari sa akin. Ang dalawa ay sa gate nakatalaga ang isa naman ay bodyguard at driver ko kapag papasok ako ng school. May takot pa rin sa dibdib ko pero nalalabanan ko na yun. Kung kami ni Ate Malou ay tuwang tuwa na may bantay na sa bahay pero kabaliktaran ni Tita Veronica. "Kumuha ka ng tatlong security na hindi mo man lang sinasabi sa akin Mannox?" Pasitang tanong ni Tita Veronica. "Yes, para yun seguridad ng bahay at para sa ating lahat na nakatira dito." Tumaas ang isang kilay ni Tita Veronica. "At kinuhanan mo pa ng bodyguard si Cassandra." "Para hindi na maulit ang nangyari sa kanya. Muntik na syang makidnap Veronica." Pagak na tumawa si T

