Chapter 5

1799 Words
Cassandra POV "MARAMING salamat po Ate Lourdes." Nakangiting sabi ko sa supervisor ng iabot nya sa akin ang huling sweldo ko para sa mga huling araw na pinasok ko kasama na ang overtime. Nagpaalam na rin ako sa kanya at sa mga kasamahan ko sa pabrika na halos isang taon ko ring mga nakasama. "Mag aaral kang mabuti sa Manila. Masaya ako para sayo Cassandra. Bata ka pa at malayo pa ang mararating mo magsumikap ka lang." "Opo, tatandaan ko po ang lahat ng pangaral nyo sa akin Ate Lourdes." Parang naging pangalawang ina ko na si Ate Lourdes dahil mabait sya sa akin at marami syang pangaral sa buhay. Isa sya sa siguradong mamimiss ko. Nagpaalam na ako kay Ate Lourdes at pinuntahan si Lalay na naghihintay na sa labas. Sabay na kaming uuwi. "Ano? Naibigay na sayo ang sahod mo?" "Oo, nagpaalam na rin ako kay Ate Lourdes." "Tara na uwi na tayo at mukhang uulan pa." Yaya ni Lalay. Sabay na kaming lumabas magpinsan sa compound ng pabrika at pumunta sa waiting shed para maghintay ng jeep. Tamang tama na nakuha ko ang huling sahod ko. May maiiwan ako kay tatay bago umalis. Pagdating ko sa Manila ay makikiusap ako kay ninong na kung pwedeng mag part time job ako para naman kahit papano ay may income ako para mapadalhan ko si tatay. Nakumpleto ko na ang mga papers ko ngayong araw at tatawagan ko na lang si ninong para sabihan sya. Excited ako na malungkot sa nalalapit kong pag alis dito sa probinsya. Excited dahil makakapunta na ako ng Manila at makakapag aral. Malungkot dahil malalayo ako kay tatay at sa mga kaibigan ko. Malalayo ako sa lugar na kinalakihan ko. Pero ganun talaga. Kung gusto kong makuha ang bagay na inaasam asam ko ay kailangan kong magsakripisyo. Para rin naman ito sa kinabukasan ko, para kay tatay. "Sige po ninong, kita na lang po tayo sa Manila. Salamat po." Binaba ko na ang cellphone at pinatay pagkatapos ng pag uusap namin ni Ninong Mannox. "Anong sabi ng ninong mo anak? Kelan daw ang punta mo sa Manila?" Tanong ni tatay na patingin tingin sa akin kanina habang naguusap kami ni Ninong Mannox. "Sa linggo na po tay." Nakangiting sabi ko. Namilog ang mata nya. "Sa linggo? Ngayong darating na linggo mismo?" "Opo tay, kaya kailangan ko ng mag empake bukas." Huwebes na ngayon at dalawang araw na lang ang ilalagi ko dito sa probinsya namin. "Ang bilis naman pala." Unti unting nabura ang ngiti ko ng lumungkot ang mukha ni tatay. Kapag ganitong nakikita kong malungkot sya dahil sa pag alis ko ay di ko tuloy maiwasang magdalawang isip. "Tay.." Biglang ngumiti si tatay at bumuntong hininga. "Huwag mo kong isipin anak. Normal lang na malungkot ako dahil aalis ka na. Ngayon lang tayo magkakahiwalay ng matagal. Pero syempre masaya din ako dahil makakapag aral ka na. Makapag tapos ka lang ng kolehiyo para na akong nanalo sa lotto." Yumakap ako kay tatay at di ko na napigilang maiyak. Sya talaga ang pinakamamimiss ko pagpunta ko ng Manila. "Mamimiss kita ng sobra tay.." "Ako rin anak, pero kailangan nating magtiis at magsakripisyo." Kumalas ako ng yakap sa kanya at suminghot. "Lagi po akong tatawag sa inyo tay. Mag iingat po kayo lagi dito. At saka heto po.." Dinukot ko sa bulsa ng maong shorts ko ang perang huling sinahod ko sa pabrika. Binigay ko kay tatay ang 2500 at tinabi ko naman ang 1k. "Ano ito 'nak?" Kunot noong tanong ni tatay. "Para po sa inyo yan tay. Pang budget nyo. Itago nyo po yan para kapag di kayo naabutan ni Tita Amanda eh may mahuhugot kayo. Saka po naibili ko na kayo ng gamot nyo ng pang isang buwan. Yung gamot nyo para sa high blood huwag nyo pong kakalimutan na humingi sa center. Huwag rin po kayong kakalimot sa pag inom ng gamot." Bilin ko pa. Sumibi si tatay at tumulo na rin ang luha. "Anak naman pinapaiyak mo ko. Dapat hindi mo na ako masyadong inaalala eh. Kaya ko ang sarili ko. Kahit ganito ako kaya ko pang kumita kahit papaano. Sasama lang ako kay Ferdie sa pagbebenta nya ng pares sa parke bibigyan nya ako. Kaya sayo na to anak. Baunin mo sa Manila para may panggastos ka kahit papaano." Binalik ni tatay sa kamay ko ang pera. Pero binalik ko rin yun sa kamay nya. "Hindi po tay. Para sayo yan. Pagdating ko po ng Manila magpapaalam po ako kay Ninong Mannox na magpapart time job ako para may income ako kahit papaano at mapadalhan kayo. Siguradong papayag po sya." "Anak -- " "Huwag na po kayong kumontra tay. Kahit kumontra pa kayo gagawin ko pa rin yun." "Tsk! Ang tigas din talaga ng ulo mo. Mana ka nga sa akin." Bagsak ang balikat na sabi ni tatay. Natawa ako. "O di ba? Parang kinalaban nyo ang sarili nyo." Ngumiti na si tatay at hinawakan ang kamay ko. "Basta mag iingat ka lagi dun anak." Tumango ako. "Opo tay." Parehas kaming natigilan ni tatay ng bumukas ang pinto at pumasok si Tita Amanda na bagong dating galing sa kung saan. Sumimangot sya ng tumingin sa amin ni tatay at nagdire-diretso na sa kwarto nila. Nagtinginan kami ni tatay at nagsenyasan na lang sa mata na huwag na lang itong pansinin at hayaan na lang. Simula ng magtalo sila dahil sa akin ay di na ito namansin at para na lang kaming hangin ni tatay na dinadaan daanan nito dito sa bahay. Ang ipinagtataka ko nga ay bakit hindi na lang ito kusang umalis kung ayaw na nito kay tatay. Basta pag alis ko ibibilin ko si tatay kay Tito Ferdie at kay Lalay. -- Sabado ng gabi.. "O anak, wala ka na bang naiwan? Ok na ba ang lahat ng mga damit mo?" Tanong ni tatay pagapasok nya sa maliit kong kwarto na lalo pang sumikip dahil sa dalawang maleta na pahiram sa akin ni Tito Ferdie para paglagyan ko ng damit. Lumang maleta yun na nadelihensya nya sa asawa ng kaibigan nyang isang ofw. "Opo tay, wala na po akong naiwan. Naayos ko na po ang mga dadalhin ko sa Manila. Kaunting damit na lang po ang naiwan, yung mga luma na." Tiningnan ko ang mga inempake ko. Bukod sa dalawang maleta ay may isang bagpack na putok na putok ang laman at isang bodybag na paglalagyan ko ng wallet at cellphone ko. Bukas ng umaga mga alas nuebe ay ihahatid ako ni Tito Ferdie sa hacienda sakay ng kolong kolong nya. Ang driver ng hacienda ang maghahatid sa akin pa-Manila sakay ng de aircon na sasakyan. "Yung mga papeles mo pala anak? Mga ID mo?" Paalala pa ni tatay. "Nasa maleta na po tay. Maayos na maayos ang pagkakalagay para di malukot." "Mabuti naman. Yan ang huwag na huwag mong kalilimutan." Magsasalita pa sana ako ng may maalala. Tiningnan ko ang oras sa cellphone. Alas nuebe y medya na pala. Siguradong nasa bahay na nila si Ted. Pupuntahan ko sya para makapag paalam. Nagtext ako kay Ted na pupunta ako sa bahay nila. "Tay, lalabas po muna ako." Paalam ko kay tatay. "Bakit anak? Saan ka pupunta?" "Kay.. Ted po tay." Nakangiwing sabi ko. Sumimangot si tatay. "Anak naman, kelan mo ba hihiwalayan yang Ted na yan. Ayoko talaga sa kanya eh. Maangas at halatang maloko! Di kayo bagay." Ngumuso ako. "Tay naman, pagtatalunan na naman ba natin to. Aalis na po ako bukas o. Gusto ko lang pong magpaalam kay Ted." Bumuntong hininga si tatay. "O sige na, magpaalam ka na. Bilisan mo ha. Umuwi ka agad para makatulog ka na dahil bukas mahaba ang byahe nyo." "Opo tay." Lumabas na ako ng kwarto at iniwan na doon si tatay na iiling iling na lang. Patingin tingin ako sa cellphone ko para tingnan kung may reply na si Ted. Pero wala pa rin syang reply. Ang sabi nya kanina ay 8:30 ang uwi nya ngayong gabi dahil nagovertime sya. Siguro naman nasa bahay na sya. Pagdating ko sa kabilang kanto ay pumasok na ako sa lubak lubak na driveway. Gumilid pa ako ng may pumasok ding tricycle. Sinipulan pa ako ng manyak na driver. Pinakyu ko naman sya. Maraming manyak dito sa lugar nila Ted. Kaya bihira lang akong pumunta dito mag isa. Lagi kong kasama si Ted. Hindi naman ako magawang bastusin ng mga manyak dito dahil takot sila kay Tito Ferdie na kilalang siga dito sa baranggay namin. Natanaw ko na ang bahay ni Ted. Dumaan ako sa harap ng tindahan na may mga nag iinuman. Sabado kasi at bagong sahod kaya walwal time. Kakaiba ang mga tingin sa akin ng mga nagiinuman. Tinging may malisya at laman. Di ko na lang sila pinansin at nagtuloy tuloy sa paglakad. Narinig ko pa ang malakas nilang tawanan at pagbanggit sa pangalan ni Ted. Pagdating ko sa harap ng bahay nila Ted ay sarado ang pinto bagamat naaaninag ko sa saradong jalousie'ng bintana ang liwanag ng ilaw. Ibig sabihin ay may tao sa loob. "Ted." Tawag ko sa nobyo sabay katok ng mahina sa saradong pinto. Ngunit nakailang katok na ako at tawag ay walang sumasagot o nagbubukas. Pero naririnig ko ang tunog ng bukas na tv. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit. Hindi yun nakalock. Binuksan ko ang pinto at sumilip sa loob. Bukas ang ilaw at bukas ang tv pero walang tao sa sala. Pero nakita ko ang bodybag na itim ni Ted na nasa sofa. Nakauwi na nga sya. Pumasok na ako. "Ted." Tawag ko ulit sa nobyo at naglakad papunta sa kusina pero wala ring tao roon. Tinungo ko naman ang kwarto ng nobyo. Pero natigilan ako pagtapat ko sa pinto ng makarinig ng mga boses at mga ungol. "Ugh s**t ka talaga Ted! Ang sarap talaga ng t**i mo. Ibaon mo pa!" "Ang ingay mo talaga Greta. Uhmp! Uhmp! Ito ang gusto mo di ba? Sagad na kantot." "Ahh ganyan nga babe! Sarap! Ahhh!" "Kapag umalis na si Cassandra ikaw na ang magiging parausan ko." "Hihihi kahit hindi naman umalis si Cassey ay ako naman talaga ang parausan mo dahil mas masarap ako sa kanya." "Mas masarap si Cassandra kesa sayo. Sunod ka lang sa kanya kaya pwede ka ng pagtiyagaan hahaha." "Gago ka talaga. Kumantot ka na nga lang dyan!" Hinawakan ko ang doorknob sabay pihit at tulak ng malakas pabukas ang pinto. Namilog ang mata ko at tila ako binuhusan ng malamig na tubig sa katawan sa nakikita. Si Ted at si Greta ay nasa ibabaw ng kama at nagsesex. Huling huli ko sila sa akto. Agad naman silang napabalikwas ng bangon ng makita ako at hindi magkandatuto kung paano tatakpan ang halos hubad na katawan. Parehas pang namumutla ang kanilang mga mukha. "Walanghiya kayong dalawa! Mga hayop!" *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD