Third POV "SO ano ng balita sa pagiimbestiga mo tungkol sa babae ni Mannox?" Nilingon ni Veronica ang kaibigang si Leslie Bumuntong hininga sya at inikot ang mata. "Wala pang balita." "Baka naman wala talagang babae ang asawa mo." Ani Leslie at sinimsim ang brandy sa hawak nitong kopita. Tumaas ang kilay ni Veronica at inalog ang brandy sa hawak na kopita. "Malakas ang kutob ko Leslie. Hindi ako pwedeng magkamali. Magaling lang magtago si Mannox." "Kasing galing mong magtago?" Nakangising wika ng kanyang kaibigan. "Shut up. Baka may makarinig." Mahinang asik nya rito. Malakas na tumawa lang ito. "You're so funny talaga girl." "What's funny?" Parang gusto nyang sabunutan ang kaibigan. "You're funny because takot na takot kang may ibang babae ang asawa pero ikaw nakailang lala

