Cassandra POV "HELLO ladies! Mukhang nagkakasiyahan kayo ah." Sabay kaming lumingon ni Nala ng marinig ang boses ni Mannox. Tumayo ako at ngumiti ng makita sya. Ang aga nya yatang umuwi. Akala ko ay mamaya pa. Lumapit sa akin si Mannox at hinapit ako sa bewang sabay dampi ng halik sa aking labi. "Hi baby." "Hi daddy. Ang aga mo umuwi ah. Akala ko mamaya ka pa." "Maaga kong natapos ang trabaho ko sa office kaya umuwi na ako. Saka miss na rin kita baby ko." Lambing nya sa akin at hinalik halikan ako sa pisngi at leeg. Humagikgik naman ako. "Ehem!" Natigilan kami ni Mannox ng may tumikhim ng malakas. Oo nga pala si Nala. "Respeto naman po sa single at tigang." Sambit ni Nala. Sabay kaming ngumisi ni Mannox at humarap sa kanya. Muntik na kaming magpapakan ni Mannox. Nakalimutan

