Chapter 1

1524 Words
Maryse’ POV “Ano?? Bakit hindi ka makakapunta sa reunion natin?” si Aliyah, ang bestfriend ko since highschool. “Wala ehh, ayokong makita si Bryce” sagot ko. “Hanggang ngayon ba ay hindi ka parin nakakamove on kay Bryce? Uso move on uyy. Ayyy mali, hindi pala uso move on sayo, pagdating kasi sa pagiging marupok, ikaw ang kambing hahaha!” -Tyler Nagbuntong hininga ako dahil naaalala ko ulit si Bryce, it’s been a month since we have our long break-up. After our break-up kasi ay umalis na siya at sumakay sa barko. I can say na medyo mahaba na ang panahon pero ang hirap talaga niyang kalimutan. Bryce naman talaga, bakit ba ang lakas ng tama mo sa akin? “Mars, bakit parang natahimik ka? Sabi ko na ehh, hindi mo parin talaga makalimutan si Bryce” -Aliyah “Ewan ko ba diyan kay Maryse at bakit patay na patay siya kay Bryce, ang dami namang better guy kaysa sa g*gong yun” -Tyler “May problema ka ba Tyler? Ano bang pakialam mo sa amin?” “W—Wala naman, sige may gagawin pa ako” -Tyler Pag alis ni Tyler ay kinalabit ako ni Aliyah, magkatabi kasi kami ng table habang si Tyler ay sa kabilang faculty naka-assign. “Pagpasensyahan mo na si Tyler mars, alam mo naman na super protective lang ng kaibigan mo sayo” -Aliyah “Ano siya bodyguard? Hindi ko na kailangan ng tagabantay noh, malaki na ako” “Alam mo mars, ang swerte mo pa nga dahil napaka down to earth niyang si Tyler ehh, mahirap nang makahanap ng ganyang lalaki, since naman na game over na kayo ni Bryce, why don’t you give Tyler a chance, wala namang masama hindi ba?” -Aliyah “Hmmmm ang hirap mars ehh, oo galit na galit ako kay Bryce dahil g*go siya pero Bryce is Bryce mars, ang hirap sirain ng 5 year relationship namin, kaya nga hirap akong mag move on ehh” “Hay naku mars, here we go again, marupok ka talaga, bilisan na natin para makauwi na tayo” -Aliyah Ayan nanaman tayo sa marupok na iyan, wala ehh, ang hirap pigilan ng nararamdaman ko. Kahit anong gawin kong pagmove-on kay Bryce ay tila waepek sa akin. Tila nabihag na ni Bryce ang puso’t isipan ko. Ika nga ni Tyler, pagdating sa pagiging marupok, ako daw ang kambing. Bakit? Kasi naman raw sa lahat ng marurupok, ako na raw yata ang “greatest of all time” in short, G.O.A.T, kaya kambing hahaha. Kung si Michael Jordan ang GOAT ng basketball, ako naman raw ang GOAT ng pagiging marupok, corny talaga nitong si Tyler. Kinagabihan ay nag video call kami ni Aliyah with Tyler. “Bakit nandito ka? Usapang babae ito, babae ka ba?” pagtataray ko kay Tyler. “Sorry naman, actually sinama na ako ni Aliyah. Oo nga pala, nandun si Jerome sa reunion natin” -Tyler “Jerome?” pagtataka ko. “Kunyari ka pa na hindi mo kilala, si Jerome, yung Top 1 nung 2nd year tayo na binasted mo dahil kako hindi mo type kasi puro siya pimples” -Tyler “Ehh ano kung nandoon sya? Hindi nga ako sasama diba ?” “Wala kang magagawa, Bryce is our batchmate kaya darating talaga siya, pagdasal mo na lang na matuloy ang kanyang pag-alis” -Aliyah “Sisimulan ko na bang magdasal mars? Hahaha“ “Oo, magdasal ka na ng Ama Namin ng isang libong beses kung gusto mo nang makalimutan si mahal mo“ -Aliyah “Oo mars, mahal na mahal” “Ewan ko sa inyo, mga babae talaga ow, tapos kapag nasaktan, sasabihin niyo huhuhu lahat ng mga lalaki manloloko, diba?” -Tyler “Ehh bakit ba? What’s your pake ba?” “Sumama ka na kasi mars, malay mo umalis na si Bryce ng araw na iyon, that means hindi na siya makakapunta sa reunion” “Oo na iyan” -Tyler “Sige na nga, sasama na ako, basta kapag nakita ko si Bryce doon kahit sa tapat pa lang ng pintuan, uuwi na ako” “Okay kumpleto na tayo!! Excited much” -Aliyah “Ako lang yata yung napilitan ehh noh” Sana nga at tama si Aliyah, malay natin diba? Pero sana nga at hindi na makapunta si Bryce sa reunion namin para tuloy tuloy na ang pag move-on ko. And by the way, ako nga pala si Maryse Joy Sebastian. 25 years old, SINGLE but not ready to mingle yet dahil nga nasa proseso ako ng pagmove-on. Isang buwan na ang nakalipas matapos kaming maghiwalay ni Bryan Ray Mitchell, ang naging boyfriend ko for the past 5 years. Hindi ko talaga akalain na ngayong taon matatapos ang lahat ng masasayang alaala namin as a couple. Isa po akong elementary teacher sa isang private school, kasama ko din sa trabaho sina Aliyah at Tyler. Si Tyler naman ay nagtuturo sa Junior High School kaya hindi kami magkasama. Si Bryce naman? Hmmm, kailangan pa ba natin siyang pag-usapan?? Sige na nga, kahit mabilis lang. Isa siyang seaman at ang huli naming pagkikita ay nung bago siya umalis sakay ng barko papuntang Barcelona, Spain. Yun lang ok na iyon. Ayoko na kasi talaga siyang imention o ikwento pa dahil nga nagmomove on sa kanya diba? “Di pwede, mabibitin yung mga nagbabasa ehh, ikwento mo pa, kahit mga isang oras lang” –Author Wow ahh isang oras talaga? Anyways, sige i-susummarize ko na lang at masyadong mahaba ang isang chapter para ikwento ang buong story namin ni Bryce. Magkababata kami ni Bryce, nakilala ko siya since when I was in grade school, transferee ako that time sa isang international school, hindi ako richkid ahh, kasi naman ako pa lang ang nag-iisang anak ng parents ko that time kaya medyo kaya pa ng budget. Going back to the story, siya lang naman sa lahat ng classmates ko na isinumpa ko ng bongga, buti nga at hindi ko pa siya pinakulam ehh. Bakit? Kasi siya ang nambubully sa akin since nung lumipat ako, kasi school naman kasi ng mayayaman iyon kaya hindi maiwasang mabully ng mga schoolmates ko. Kung sa akala niyo na “The more you hate, the more you love” ang naging sitwasyon namin, nagkakamali kayo. Nagtagpo ulit ang landas namin nung college, akala ko hindi ko na muli siyang makikita dahil ang balita ko kasi ay nasa ibang bansa na siya, doon ko napagtanto na ang school na pinapasukan ko ay sila pala ang may-ari nito. Pero ang nasa isip ko that time ay paniguradong hindi na ako kilala ng mokong na iyon dahil matagal na panahon na ang nakalipas ehh. Pero nagkamali ako. JOLLIBEE “Hi Ma’am welcome to Jollibee, can I take your order?” “Isang 1 pc chickenjoy po plus regular fries” “Dine in? or take-out?” “Take-out po” “Excuse me, can I have 1 pc chickenjoy, then add 1 regular fries with regular pineapple juice drink” Paglingon ko sa kabilang counter, doon ko ulit siya nakita, then parehas kaming na-shock nang makita namin ang isa’t isa. “You!?” “Ikaw!?” “Maryse Joy? You’re studying here at Mitchell University?” –Bryce “Yes, but don’t worry, this would be my last semester because I’m transferring to another school” “But why? Is there a problem?” –Bryce “Ang mahal ng tuition ng school niyo, mas mura pa yata sa La Salle ehh” “Here’s your order ma’am enjoy your meal” Awkward moment lang noh? Sa lahat ng pwede kong makilala ulit, siya pa? Ang lalaking nambuwisit sakin noong elementary days ko. “Excuse me, can I seat with you?” –Bryce “Close tayo? There are more vacant seats there, just sit around” “But I want to sit here, I also want to ask if how are you now?” –Bryce “I’m fine, thank you” “Please” –Bryce Hindi ko siya pinansin dahil ayokong magsalita dahil may laman ang aking bunganga hanggang sa hindi na siya makatiis, umalis na kaagad ito. Masama talaga ang loob ko sa kanya dahil sa mga ginawa niyang katarantaduhan sa akin noong elementary, maraming beses niya akong pinapaiyak dati na kesyo kapag nagsumbong daw ako sa parents ko, sasaktan daw niya ako. Matulis talaga ang sungay ng lalaking iyon. Pero huwag ka, kung ano ang ikinatulis ng sungay niya nung elementary ay yun naman ang ikinabait niya nung college na kami. “Mars mars, may poging naghahanap sayo, naks talaga, ang haba ng hair mo” –Aliyah “Pogi? Sino?” Maraming mga babae ang nagtitilian sa labas ng classroom namin, pagpunta ko sa labas ay nakita ko si Bryce. “What are you doing here?” tanong ko sa kanya. “Kilala mo siya teh? Pakilala mo naman siya sa amin” sabi sakin ng mga kaklase ko. “You’ve just ignored me a couple of days ago, I just want to say something to you” –Bryce “Ahhhhhhhhhhh!!!!!” napatakip ako ng tenga dahil sa mga babaysot na ito, akala tuloy ng iba, may proposal na nagaganap dito. “I’m sorry Maryse, for all the crazy things that I’ve done during our elementary days. I know that you’re still mad at me until now but I will promise that I won’t bullied you again” –Bryce “Ahh kaya pala” “Ang bait naman pala nito ni Papa Bryce” “Patawarin mo na teh” Mga chismosang are ehh, nakakahiya tuloy ehh. “You don’t need to say sorry because we’re on a different situation right now” pagkatapos ay bumalik na ako sa classroom namin. Dahil sa ginawa ko ay ang daming nainis sa ginawa kong pag-ignore kay Bryce. Ehh ano bang pakialam nila? Wala akong pakialam kung magalit man sila sa akin dahil sa pag-ignore ko sa kanya.   END OF FLASHBACK Ok pause ko muna ito, heto nanaman ang puso’t isipan ko, sa tuwing naaalala ko yung time na iyon, parang bumabalik yung inis ko sa kanya ehh. At ako’y marami pang aasikasuhin para bukas sa klase ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD