Sa kalagitnaan ng misa, naisipan ni Micah na lumabas at sundan si Jaime na hindi na bumalik sa loob ng simbahan. Nang makapadpad sa labasan, namataan niya itong nakasandig sa gilid ng oratoryo at malalim ang iniisip. Natigilan siya at pinanood muna ang binata sa malayo. Habang hindi ito nakatingin sa kaniya, mayroon siyang pagkakataon na pagmasdan ito.
Bakit parang ngayon lamang niya nakita sa kilos at tindig nito ang pagiging atraktibo? Malalim kung tumingin ang mga mata, matangos at tuwid ang ilong at magandang hubog ng labi. Matangkad din ang lalaki. Palagi bang gwapo si Jaime? Ngayon lamang niya napansin dahil masyadong okupado ang utak niya ng misyon at digmaan. Ngunit sa gitna ng pansamantalang kapayapaan. Oo nga at magandang lalaki pala ito.
Nilapitan niya ang ito at nagtama ang linya ng kanilang mga mata. Hindi niya mabasa ang emosyong nakapaloob sa balitataw nito.
"Sasamahan mo ba ako rito? Ano nang pasya mo?"
Hindi inaasahan ni Micah na uulitin nito ang tanong sa kaniya kanina sa misa. Nagbawi siya ng tingin, saglit na napaisip at malalim na napabuntong-hininga.
"Ano, Micah? Bingi ka na ba? Tinatanong kita, ah..." mas agresibo nitong untag. Hindi pa rin nawawala ang pagiging gago.
Naasar siya sa tono nitong hindi makapaghintay. "Huwag mo ngang tanungin sa 'kin 'yan! Huwag mo akong pahirapan!" bulyaw niya. Wala nang paki kung mapagkamalan silang magkasintahan na nag-aaway.
"Hindi kita sasamahan dito," tugon niya at bahagyang nasaktan nang makita ang sakit na dumaan sa mukha ng lalaki.
"Kung ganoon—--"
"Ang gusto ko, ikaw ang sumama sa akin. Naintindihan mo?" pinutol niya ang sinasabi nito. "Huwag mo akong iwan sa ere, Jaime. Kailangan kita sa grupo."
"Paano kapag namatay ako? Paano kapag namatay ka?" muli nitong sinabi ang tanong kanina.
"Kung mamatay ka, eh 'di magpapakamatay rin ako. Walang problema 'yon sa akin! Okay na ba 'yon sa 'yo?!"
Natigilan ito at biglang nanlaki ang mga mata na parang ikinagulat ang sinabi niya.
"Narinig mo? Magpapakamatay rin ako kapag namatay ka." Saan hinuhugot ni Micah ang ganoong salita at lakas ng loob? Hindi niya rin maunawaan ang sarili. Basta, ang tanging nasa isip niya ay pilitin si Jaime na sumama pa rin sa kanila.
Pakiwari niya ay hindi niya kakayanin kung mawawala ito... Ngunit bakit? Bakit siya nasasaktan na isipan na magkakahiwalay sila? Kaya niyang lumaban. Kaya niyang makipagsapalaran. Kaya niyang magtiis, basta ay magkasama sila.
"O gusto mo pa rin manatili rito at iwan ang responsibilidad natin?" wika niya nang hindi ito umimik.
Nakakapaso ang mga mata ng lalaki kung tumitig sa kaniya. Hindi niya kayang tumitig nang matagal.
"Paano ang ate at ina ko? Paano ang ama at ina mo? Naisip mo ba sila? Paano ang inang-bayan? Mas uunahin pa ba natin ang pansariling kaligayahan?" katwiran niya habang mailap ang mga mata.
"Hindi tayo ituturing na mga bayani kahit magtagumpay pa tayo," sa wakas ay tumugon na rin si Jaime. "At maaaring hindi natin maaabot ang hangarin natin. Pero sige, dahil nandiyan ka, papayag akong sumama sa walang kwentang hangarin mo."
Ikinabigla niya iyon. Nagkaroon siya ng lakas ng loob na salubungin ang tingin nito. Nakahinga siya nang maluwag at lihim na sumaya ang puso dahil pumayag na muli itong magpatuloy sa laban.
"Pero sasama ka lang dahil sa pansariling interest? Dahil sa kasama lang ako sa grupo? Wala ka bang paki sa Pilipinas o sa kapwa mo?" Hindi niya maintindihan kung ano ba ang hangarin ng lalaki sa buhay. Nagtataka ang mga mata niyang nagtanong.
"Ano bang paki ko sa bansang 'to? Hindi naman sila nagpapasalamat sa sakripisyo ko kaya ba't ako magkakaroon ng pakialam sa kanila!" anito pagkatapos may kakaibang kislap sa mga mata nang ituloy ang mga pangungusap.
"Sa 'yo lang at sa sigarilyo ko may pakialam ako, Micah."
Mistulang tumalon ang puso niya pagkatapos sunod-sunod na kumabog na tila ba nakikipagkarera sa bilis ng kabayo. Hindi niya maunawaan ang nararamdaman. Mapapangiti sana siya nang malaki pero pinigilan niya. Subalit nagtaksil ang pisngi niyang biglang namula.
"Tang-ina mo! Kung ano-ano ang sinasabi mo!" At para mapagtakpan ang pagkapahiya at mapawi ang pagkailang, sinabi niya iyon. Ngunit nahirapan pa rin siyang pigilan ang ngiti sa labi.
Hindi naman mapalis ang abot-tainga na ngiti ni Jaime sa mukha. Sapagkat, nagtagumpay ngayon ang binata na matamaan ang target. "Oh, bakit nangingiti ka?" pangangantiyaw pa.
"Ewan ko sa 'yo. Letse!" Kunwari, inis na tumalikod si Micah. Pagkatapos ay naglakad siya paalis. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hindi niya kayang humarap ngayon kay Jaime dahil nahihiya siya. Hindi niya alam kung anong gagawin. Kapag nanatili pa siya sa harap nito baka mahimatay pa siya. Kailangan niya munang umalis at pakalmahin ang pusong nagwawala. At habang naglalakad palayo, hinayaan niyang lumawak ang kaniyang ngiti sa mukha.
***
Matagal nang hindi nakakatikim ng sarap si Martin. Gusto niyang mag-jakol. Kaya naisipan niyang maghanap ng tagong puwesto sa likod ng cathedral. Nahirapan siyang maghagilap dahil napakaraming tao sa lugar at may mga kenpetai pa na paikot-ikot. Mapanghi naman sa palikuran at hindi rin siya makakatiis doon.
Ilang araw na siyang naiinis sa sitwasyon nila. At ito nga, nakadagdag pa ang mapang-asar na ngisi nina Micah at Jaime habang nasa misa sila. Tinutudyo siya ng dalawa gamit ang mata at ngiti ng mga ito. Ngunit ang mas nakakaasar ay hindi siya makaganti dahil nasa simbahan sila.
Sa paglalakad sa likod ay nakalusot siya sa hindi pamilyar na lugar. May labasan pala doon patungo sa kagubatan, tanaw rin niya mula roon ang malayong kalsada. Wala namang katao-tao roon at napakatahimik pa. Mga kuliglig at palaka lamang ang maririnig sa lugar. Naisip niyang perpekto ang espasyong ito upang maglabas ng sama ng loob.
Kapag balisa siya ay gusto niyang maginhawaan ang pakiramdam. Sa pagkakataon na ito, gusto niyang maabot ang sukdulan. Hinubad niya ang suot na sutana, nakasuot naman siya ng puting t-shirt at pantalon sa ilalim. Isinampay muna niya ang sutana sa mababang sanga ng puno, pagkatapos tumapat siya sa mga malalaking damo at tinanggal ang butones ng pantalon saka ibinaba.
Inilabas niya ang kargada upang simulan na ang misyon. Ginamit niya ang kanang kamay sa pagkiskis ng ulo niyon at nasarapan agad siya sa ginawa. Naramdaman niya ang paninigas niyon at malapit nang magsirit ng likido. Subalit naudlot ang kaniyang kaligayahan nang may marinig na ingay sa paligid. Kunot-noong natigilan siya at lumingon-lingon sa paligid, saka niya nakita na may paparating pala sa natatanawang kalsada.
Muli niyang ibinalik ang tarugo sa panloob at isinuot muli ang pantalon. Kunot-noo na tinitigan niya kung ano ang paparating. Naningkit ang mga mata niya sa pagsipat hanggang sa mapagtanto niyang isa iyong military vehicle, subalit may kasunod pa ito na tangke at isang batalyon ng mga sundalo.
Nahintakutan agad siya sa nakita at nanlaki ang mga mata. Nakalimutan na niyang maglabas ng katas. Tumakbo agad siya pabalik sa simbahan. Kailangan niyang masabihan agad ang mga kasamahan.
****