Episode 6: Paniniktik-Roxy

2220 Words
"Roxy, calm down, ok? Ba't parang hindi ka mapakali kanina pa?" Tumaas ang kilay ni Mihael nang akbayan ang dalaga. "Salamat po." Nakangiti nitong sinundan ng tingin ang basong nilapag ng matanda sa harap nito. Natutok ang tingin ko sa tasang nasa harap namin. Pinag-tsaa kami ng matanda. Pilit na pilit ang ngiti ko at panay ang kurot ko sa tagiliran ni Mihael. Gusto ko nang umalis talaga. "P-pasensiya na kung mabaho rito sa'min. Kung sa'n-sa'n lang kasi tinatapon ng mga tao rito ang mga ligaw na hayop. May sumasalakay kasi sa mga alaga namin. Kahit ilibing namin sa lupa, kinakalkal pa rin ng ilang aso rito—kaya 'yong naamoy niyong mabaho, baka naaagnas na katawan 'yan ng mga hayop. Hindi maayos ang pagkakalibing ng ilan sa mga 'yon." Tumikhim ang matandang babae bago ito dumura sa labas. May nginguya itong nganga, isa itong dahon na hinaluan ng ilang sangkap na ginagamit kalimitan ng matatanda lalo na sa probinsya. "I-inumin niyo na 'yan habang mainit pa, purong dahon 'yan ng halaman na herbal kaya maganda sa katawan 'yan." Saglit ko lang tinapunan ng tingin ang baso bago siniko si Mihael. Hapon na at magtatakip silim na mamaya. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. "Magnobyo ba kayo? May isang kwarto rito para sa inyo. Inihanda ko 'yon para may matulugan kayo, mga kaapuhan ko ang natutulog diyan pero sa inyo ko na ipapagamit. Huwag kayong mahihiya kung may kailangan kayo, magsabi lang kayo." Napapitlag ako nang marinig ko ang atungal ng baboy. Napangiti ang matanda nang makita nito ang mga kalalakihan na buhat-buhat ang hayop. Nakaramdam ako ng pangangasim ng sikmura nang makita ko ang panay pagdura ng babae sa labas ng pinto. Abot sa talampakan nito ang puting buhok nito. Nang unang makita ko ito, nakapuyod lang ito. Napaawang ang labi ko nang makita kong nainum na ni Mihael ang tsaa nito. Bigla ko itong inagaw sa lalaking nagulat. Tumapon pa ang laman nito pero nangalahati na ito sa pag-inum. Biglang napahalakhak ang matanda nang makita kami kaya agad akong napalingon dito. "Masyadong kang maingat diyan sa nobyo mo, ineng. Alam ko kung ano ka." Nailapag ko bigla ang baso sa kawayang mesa. Mas lalong natapon ito nang gawin ko iyon. "B-bakit ka ba aligaga, i-ineng?" Lalong kumulubot ang mukha nito nang balingan ang dalaga. Wari'y inaarok nito ang loob ng babae nang tumayo ito at umupo mismo sa tabi ng nagulat na babae. "Alam ko kung ano ka." Para akong naparalisa sa sinabi nito. Obvious na ba sa mga ito ang pagiging kakaiba ko? Baka sinabi ng batang iyon ang—imposible! Tanging kauri ko lamang ang makakaramdam nito. Matalim ang titig ko nang salubungin ko ang tingin ng matanda. Nakangiti ito sa'kin. Dahan-dahan nitong hinawi ang buhok sa mukha ko at hinaplos din nito ang buhok ko. "Wala kang dapat ipag-alala. Dito muna kayo at titingnan ko lamang ang mga kalalakihan sa labas. Nagluluto na rin sila sa labas para makakain na tayo mamaya." Nakangiti itong tumayo bago tiningnan si Mihael. "Iho, may pa-disco sa plaza, pwede kayong pumunta ro'n para maranasan niyo naman ang selebrasyon dito. N-naku, matanda na'ko. Lagi akong naiiwan sa bahay pero naririnig ko naman ang tugtog dito. Ang bayang 'to, itong Sitio Maldar ay hindi masyadong dinadayo kaya natutuwa kami kapag may mga bisitang pumupunta. Hindi na kami naaabot ng tulong ng gobyerno. Bukid na rito at mahirap pang tuntunin." Nagsalubong ang kilay ko sa pinagsasabi nito. Wala akong pakialam sa ekplanasyon ng matandang ito. Aswang din ba ang mga ito? Kailangan kong makagawa ng paraan na makaalis na rito. "P-punta tayo ng plaza, best." Tanaw ko ang likod ng matanda nang lumabas ito ng pinto. "G-gusto kong makita 'yong—" Naramdaman ko ang paghila ni Mihael sa'kin papasok sa isang kwarto. Gawa sa kahoy ang bahay ng matanda at sa gilid lang din ito ng ilog kaya naririnig ko ang lagaslas ng tubig. "Aren't you tired? Magpahinga muna tayo, inaantok ako. Ang haba ng nilakad natin kanina." Dilat na dilat lang ang mata ko habang si Mihael, naghihilik na ito. Napagod sobra ang lalaki sa haba ng nilakad namin. Saglit kong tinapunan ng tingin ang pintong nakasara bago tumingin kay Mihael. Ayokong iwan ang lalaki pero nag-uumapaw ang kuryusidad ko sa matandang iyon. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ni Mihael na nakayakap sa'kin saka tumayo nang walang ingay. Maingat pa sobra ang pagkakalapat ko ng kawayang pinto nang lumabas ako para hindi ito magising. Walang tao sa loob ng bahay. Madilim na nang saglit akong sumulyap sa bintana. May naririnig akong ingay ng mga tao sa labas kaya maingat kong sinundan ang boses ng mga ito. Walang nakapansin sa'kin nang magtago ako sa likod ng isang puno ng saging. Maliwanag ang area ng mga ito nang silipin ko mula sa pinagtataguan ko. "Pare, bilisan natin nang makapag-disco tayo sa plaza. Maraming chicks do'n." Isang lalaking mataba ito na naghihiwa ng karne. Nakagat ko ang labi ko sa sinagot ng isang kasama nito. Isang payat naman ito na matangkad, kinulang sa vitamins sa katawan. May mga itak sa kawayang mesa kung saan ang baboy na k*****y ng mga ito. "Pero t-type ko 'yong bisita ni Lola Iryang. Maganda, ano sa tingin mo?" Napahalakhak ang lalake nang sabihin ito na parang kinilig pa. "K-kaso lang nandiyan ang nobyo, mahihirapan akong makadiskarte." Napaismid ako sa topic ng mga ito. Walang kwenta. Hinanap ng mata ko ang mga matanda pero hindi ko makita ang mga ito. Dahan-dahan akong humakbang para i-check naman ang iba pang lugar nang matigilan ako sa muling narinig ko. "Siguradong nasa ilog na naman sila, nagbibinyag sa mga bagong sibol na kalahi natin. Isang piging... isang piging ang mangyayari ngayong gabi dahil kabilugan na naman ng buwan bukas." Sinundan ito ng pag-humming ng lalaki ng isang kanta. Siyang-siya itong naghihiwa ng karne na tinatapon nito deretso sa isang balde. Parang naparalisa ako. Sa ilog? May pag-aalala kong tiningnan ang bahay-kubo na tinuluyan namin, si Mihael. Ayokong iwan ang lalake pero gusto kong alamin ang pinagsasabi ng mga lalaking ito. May nakakaalam ng sekreto ko kaya hindi maaaring wala akong gawin. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko pero gusto kong alamin kung pa'nong nalaman ng bata at ng matandang iyon ang lihim na pinakaiingatan ko. Kalahi? Iba ang dating nito sa'kin. "M-Mihael," pabulong kong sambit. "B-babalik agad ako, m-mahal." Kanina pa'ko sa gilid ng ilog pero wala akong makita na tao. Paikot-ikot lang ako hanggang makarinig ako ng mga sigawan ng bata. Sinundan ko iyon at muli akong nagtago nang tumambad sa'kin ang hinahanap ko. Nasa gitna ng ilog ang mga matatanda, mukhang may pinagkakaabalahan ang mga ito. Ang mga bata, naliligo ang mga ito sa gilid. Napatingin ako sa langit, kabilugan ng buwan bukas kaya ngayon pa lang, medyo maliwanag na kahit gabi. May mga dala ring ilaw ang mga ito. Labis ang pagtataka ko nang muli kong silipin ang mga ito mula sa pinagtataguan kong malaking puno. Pangkaraniwan lang ang nakikita ko—naliligo ang mga ito. "L-lola Iryang, ang bisita mo!" hiyaw ng isang bata. Napapitlag ako sa boses ng paslit nang lingunin ko ito sa likuran ko. Wala itong kangiti-ngiti at umismid lang nang sumenyas akong huwag maingay. Nakalagay pa ang hintuturo ko sa bibig pero ang bata, tumakbo lang ito papunta sa mga kasamahan. "Nagtatago sa puno ang bisita niyo, Lola. Hayun!" Ngumuso ang bata kung sa'n ako nagtatago kaya nainis ako. Atubili ako kung lalabas ako o hindi. "L-lumabas ka na d-diyan," utos ng matandang babae. "Halika, ineng." Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago ako lumabas at naglakad nang mabagal papunta sa mga ito. Nakasimangot kong sinalubong ang tingin ng nakangiting matanda. Tatlo lamang ang nakita kong may edad at puro na mga bata ang narito. "Ang mga batang 'to, sila ang magiging tagapagmana ng lahat kapag nawala na kaming mga nauna sa kanila." Tumaas ang kilay ko bago pumihit patalikod dito. "Isang binyag ang ginagawa namin, isang basbas..." Napapihit akong muli paharap dito. Na-curious ako sa pinagsasabi nito ngayon. Isang basbas? Para saan? Wari'y nabasa ng matanda ang katanungan ko dahil lumawak ang ngiti nito. "Isang basbas..." Umahon ang matanda sa tubig para lapitan ako pero napaurong naman ako. "Isang basbas ang g-ginagawa namin para tuluyan na silang maging buo—maging buo ang pagkatao. 'Yan ang kulang sa mga batang ito." Nakangiti nitong tiningnan ang mga batang nagtatampisaw. Super weird! "Ahh... Lola. Babalik po muna ako sa bahay niyo, baka hinahanap na'ko ng nobyo ko." Nakaramdam ako ng kilig nang sambitin ko ito. Feeling-era! sigaw ng utak ko. Biglang kumulo ang tiyan ko nang makaramdam ako ng gutom pero natigilan ako nang maalala ko ang sinabi nito kanina. "Papa'no niyo nasabing kakaiba ako?" Nakatalikod lang ako sa kanya nang itanong ito. Gusto ko nang balikan si Mihael dahil nag-aalala ako sobra. "K-kagaya mo, ang mga nilalang na kagaya mo'y may karapatan ding mamuhay dito sa mundo." Tumpak! Natamaan ako ro'n. "Hindi lang ang mga tao ang namumuhay dito. Marami. Kaya bang bigyan ng siyensiya ng ekplenasyon ang mga kakaibang bagay na nakikita nila?" Napapitlag ako nang hawakan ako ng matanda para mapaharap ako sa kanya. Napalunok ako. Umikot-ikot pa ito sa'kin para pag-aralan ang kabuuan ko. "Pa-pa'no mo n-nalaman na iba a-ako?" Nautal pa'ko nang maisatinig ko ito. Naalala ko ang nilalang na iyon sa taas ng bubong bigla. "S-sino ang pumunta ro'n sa bahay namin? 'Yong n-nakita ng nobyo ko? Hindi lang isang beses p-pero bumalik pa t-talaga. S-sino 'yon?" Napasinghap ako nang malakas nang huminga ako para sumagap ng hangin. Pigil na pigil ko ang hininga ko nang sabihin ito. "Nanding!" biglang sigaw ng matanda. Napaurong ako bigla nang marinig ko ang sigaw ng matanda. Si Mihael! Kumpirmasyon ba ito na aswang din ang mga ito kagaya ko? Kilalang-kilala ko ang mga kauri ko sa probinsyang inalisan ko pero ang mga taong 'to, hindi ko sila kilala. "Ipaghanda mo sila ng pagkain." Sumulpot sa gilid ng matanda ang isang binatilyo. "Kanina ko pa naririnig ang—" Nginuso ng matanda ang tiyan ng dalaga. "Nag-aalburoto na ang tiyan niya. Luto na ba ang pagkain sa bahay?" Nahawakan ko bigla ang tiyan ko nang tumunog ulit ito. Napasunod ang tingin ko sa binatilyo nang kumaripas ito ng takbo pabalik sa bahay ng babae. Napahakbang na lang ako para lisanin na rin ang lugar. "H-huwag kang m-mag-alala, ligtas ka rito." Tumingin pa'ko sa matanda nang sabihin niya ito bago ko siya tinalikuran. Nakasunod ang tingin nilang lahat nang maglakad ako palayo. Ang talim naman ng titig ng mga ito! Pilit akong ngumiti sa kanila pero hindi man lang ako tinugon ng mga ito. Mabilis ang lakad ko nang taluntunin ko ang daan pabalik kay Mihael. May nakasalubong akong matatanda na ngiting-ngiti sa'kin nang lagpasan ko ang mga ito. Ang weird. Papunta rin ang mga ito sa ilog. "Ayy..." Isang matanda na may baston ang nasa harap ko. Puti na ang buhok nito at tantiya ko, nasa 80 years old na ito. Malawak ang ngiti nito sa'kin at titig na titig ito sa mata ko. "P-pasensiya na po, hindi ko kayo nakita. S-san po ang punta niyo?" Napaurong ako nang bigla ako nitong singhutin sabay lapit pa ng hawak nitong lampara sa mukha ko. "Lola, a-alis na po ako." Nilagpasan ko na lang ang babae. Gamit ko ang cellphone ko para gawing flashlight sa dinadaanan ko. Ang weird ng lugar na 'to! Napalingon ako sa likod para tingnan ang matanda pero ako ang mas nagulat dahil hatid ako ng tanaw ng mga ito. Lahat sila, nakahinto at nakangiting nakatitig sa'kin. Lima lahat sila nang bilangin ko. Kumaway na lang ako para mawala ang tensyon sa katawan ko pero naglakad ang mga ito palapit sa'kin. Napatakbo ako nang wala sa oras. "Mihael, I'm coming for you..." Umalingawngaw ang sigaw ko pero mas lumakas pa ang sigaw na iyon nang mahulog ako sa ilog. "Mihaeeel!" Nanlaki ang mata ko nang lumubog ako at agad akong napasinghap nang lumitaw ang ulo ko sa tubig. Isang braso ang nakapulupot sa'kin para hindi ako tuluyang lumubog. Hawak ko pa rin ang cellphone ko sa kamay. Hindi ko napansin ang tinatakbuhan ko. Sa sobra kong katangahan, dumeretso pala ang takbo ko kaya hindi ko napansin ang tubig. Napasigaw ako nang sa paglingon ko, ang mukha ng patpating lalaki ang nabuglawan ko nang tumama ang ilaw ng cellphone sa mukha nito. Ito ang nagsabi kanina na type ako. Yuck! Ang baho ng hininga nito dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa mukha ko. Naitulak ko ito nang maiupo ako nito sa mababaw na bahagi. "Naku, hindi ka nag-iingat. Buti na lang nakita kita agad. Hinahanap ka ng diyowa mo." Si Mihael! "Sige, aalis na'ko." Nandiri ako nang lalo nitong ilapit ang mukha sa mukha ko. Inis kong hinawakan ang mukha nito sabay tulak nang malakas dito. Assuming ang panget na 'to! Walang-wala ito sa kalingkingan ni Mihael. "Bye..." "Magiging akin ka rin!" pagalit na sigaw ng lalake. Napaismid ako nang talikuran ko ito. Alam ko naman ang daan pabalik dahil sa gilid ng ilog lang din ang bahay ng matanda. May pagmamadali kong nilakad ang kinaroroonan nito. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko, biglang namatay ang cellphone na hawak ko. Mukhang kailangan ko ng panibagong phone, tiyak hindi na ito gagana dahil nabasa ito ng tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD