CHAPTER 3

1072 Words
"Uy mars, si senorito nand'yan na ata," ani Madi. Dahil may bumubusina sa labas ng mansion. Walang magbubukas kasi kumakain sila madi, Nard at mang Jose. Nasa loob pa ng mansyon ang ibang kasam-bahay. Siya lang walang ginagawa kasi kanina pa siya tapos kumain. Tumayo siya at naglakad papuntang gate at binuksan iyon. Nang makapasok ang kotse, tumigil sa tapat niya bumaba ang bintana at sumilip si Yuel na naka busangot sa kanya. "Bakit ikaw nagbukas ng gate? Nasaan si mang Jose?" Anito na tila irita sa kanyang pagmumukha. Tinignan niya ang binata ng blanko ang kanyang ekspresyon. "What?!" Asik nito ng hindi siya sumagot. "Patay na po si Mang Jose,"  sabi niya, blanko ang mukha. Nakita niyang natigilan ang binata, "K-kailan pa?" Marahan nitong tanong. Umamo ang mukha ng kaharap. Bigla siyang bumunghalit ng tawa nang hindi na mapigilan, hinawakan pa ang tiyan dahil sa kakatawa. "Joke lang. 'to namang si Sir o masyadong seryoso, " aniya at muling tumawa. "Magandang gabi Sir," dagdag  pa niya. Mukhang pikon na pikon ang binata na pinaharurot ang kotse papuntang garahe. "Paniwalain naman,"  bulong niya at tumatawa habang sinasara ang malaking gate. ------------------------------------------- ---------------------------------------------------- Padabog siyang bumaba sa kotse, at naglakad patungong main door. Naaasar  talaga ang tomboy na yun. "Magandang gabi Sir." Boses ng tomboy na nakasunod na pala sa kanya. Tinignan niya ito ng masama. "Anong maganda sa gabi? Sinira mo na ang gabi ko!" Hindi talaga niya itinago ang inis sa kanyang boses. Hindi na niya hinintay pang makasagot ito, tinalikuran na niya. "Uhm sunget naman, kala mo nireregla." Nadinig niyang ibinulong pa ni tomboy na ikinalingon niya. "May sinasabi ka?" Pabalang niyang tanong dito. "Ako po? May narinig po ba kayo?" Anito na nagpa-patay malisya. Imbes na sagutin ito pinagpatuloy na lang niya ang pagpasok sa mansion at malakas na ibinalibag ang pinto. "My God son, bakit ba ganoon ka magsara ng pinto?" Sabi ng kanyang ina na nasa malawak na living room. Hinilot niya ang noo dahil tila sumasakit iyon. "That, that alien outside there."  Turo niya sa labas ng pinto "She's really pissing me off!" Sabi niya na nakabusangot. "Who?" Usisa ng ina niya. "Your hardinera mama! I hate her here! Sisantehin niyo na 'yun," aniya na nameywang. Tumawa ang ginang. "No. No, I can't do that. Walang rason hijo," sabi ng kanyang mama. "At teka, bakit kasi nagpapaka-pikon ka sa kanya? " Muli ay sabi nito na pinipigilan ang pag ngiti. Nilampasan na lang niya ang ina at umakyat na lamang ng hagdan. "If you can't fire her,  I'll do it myself," turan niya habang paakyat na sa matayog na hagdan paakyat sa second floor. Hindi niya na narinig pang sumagot ang ina. Humanda lang talaga bukas ang tomboy na yun. -------------------------------------- --------------------------------------------------------- Kinaumagahan Lingo 'yun at araw ng pahinga ni Yuel. Agad niyang hinanap si Losang, Nakita niya ito sa may pool naglilinis. "Miss Whoever you are," panimula niyang sabi dito habang naka pamulsa. Napatingin ito sa kanya, "Sir, morniiiiiing." Masaya pa nitong bati sa kanya na akala mo close sila. "You're Fired," Seryoso niyang sabi sa gusgusing tomboy. Hindi nawala ang ngiti nito, expect niya na mag ngangawa ito. "Did you here me?" Aniya na naka kunot noo. "Yah. Yah. Yah," sabi nito na tila kumakanta. "What's yah yah yah?!" Asik niya na nagsisimula nanamang mainis. "Di mo alam yun Sir? ExB, yun. Ay gurang," Anito na tatawa tawa pa. Gurang? "Galing ka ba sa mental? Sisante ka na, pack your things and go," mariin niyang utos rito at tinalikuran na ito. Nakailang hakbang pa lamang siya nang magsalita ito. "Ayoko ngang umalis," sutil na sagot nito na nakapameywang pa. Nameywang din s'ya nang muli itong harapin. "What did you say?" "Sabi ko ayoko. Sabi ni ma'am helena, kaninang umaga kapag daw pinaalis mo ako wag akong aalis kasi hindi naman ikaw ang nagpapasahod sa'kin," anito at nagpalobo pa ng bubble gum sa bibig. Nakakadiri talaga. "Aalis ka," pilit niya "No,"  ani Tomboy na tatawa tawa. "Yes!" "No!" -Losang "f**k!" Sabi niya at tinalikuran na si tomboy, paanong nagagawa ng kanyang ina na mas paboran ang tulad ng alien na yun!? E siya ang anak! Damn! Damn! Dali-daling pumunta ang binata sa loob ng bahay at nagtungo sa dining area para mag almusal. Yamot na yamot pa din siya. "So early and yet ganyan ang mukha mo," sabi ng ina na nakaupo sa kainan kasama ang ama. Padabog siyang umupo. "Ma, paalisin niyo na ang abnormal na tomboy na 'yun. Araw-araw at gabi-gabi ko ang nasisira kapag nakikita ko ang babaeng iyon," aniya habang naglalagay ng pagkain sa kanyang plato. Napatingin ang ina sa kanya, ang ama naman niya busy sa pagbabasa ng diyaryo. "Teka nga lang Simon, bakit ba pikon na pikon ka kay Eloisa? She's nice, baka nga kapag nakilala siya ni nathaly, matutuwa din iyon kay Losang," his mother said. Napabuga siya ng hangin. "Nice? I don't think so," tutol niya sa sinabi ng ina. Sumubo siya ng pagkain. Natawa ang mama niya. "Simon-" "It's Yuel mama, I hate it when you calling me Simon." Lalong nabusit ang binata. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang Simon, pang matanda. "Okay, Yuel. Eloisa is nice and wala kang dapat ikainis sa kanya, she's doin' her job so well, she gets along well here." Talagang pinaglalaban ng  mama niya ang mukhang tomboy na iyon. Sumimangot siya. Muling natawa ang mama niya nang makita ang reaksyon niya "Bakit tila apektadong apektado ka kay Losang? Nasaan na ang Yuel na walang pakialam sa paligid? " Hindi na lang siya sumagot. Ewan ba niya bakit napipikon siya sa tomboy na 'yun. Tumayo na siya dahil wala na siyang ganang kumain. "You're done?" Mama niya. "Yeah, Pupunta ako kina Matrix," "Yuel binabalaan kita, wag kang m************k kung kani-kanino! Mahiya ka kay Nathaly!" Bilin ng mama niya na pinanlakihan pa siya ng mga mata. "Mama!" Narinig niyang tumawa ang ama. Hindi alam ng mga ito na engage na sila ni Nathaly, hindi muna niya pinapa-alam. Hindi nga niya alam bakit nayaya niya itong magpakasal. Nabigla ata siya nang makita niya itong umiiyak. Iyon ang ginawa niyang pang halo dito. "Gustong gusto kong magka apo sayo pero ayaw ko sa kung sino sinong babae lang, Kaya rendahan mo yang manoy mo!" Sabi pa ng mama niya. Humalakhak ang ama Napailing siya. "Iba ka, Ma." Tsaka na siya umalis. Baka saan pa mapunga ang usapan nila. Saktong paglabas niya, nakita niya si tomboy na naglilinis sa sala kasama ang isa pang katulong. "Hi sir," bati nito na pangiti-ngiti pa. Inismiran niya ito at umakyat sa hagdan para makaligo na. "Sunget talaga." Dinig pa niyang sabi ng tomboy at pumapalatak palatak pa. Hangat nasa pamamahay nila ang mukhang gusgusing tomboy na iyon, hindi matatahimik ang buhay niya. Kailangan gumawa siya ng paraan para mapalayas niya ito, hindi niya hahayaang araw araw na lang ay masisira ang araw at gabi niya dahil sa presensya nito. Atsaka mukhang ang saya nito kapag napipikon siya, iyon ang lalong nakadagdag ng inis niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD