"Losang.." Biglang napalingon ang dalaga nang marinig ang tinig na iyon. Nasa isang mall siya at inutusan siyang mag-grocery "Oh ikaw pala Sir Matrix," aniya na ngumiti sa binatang may mga asul na mga mata. "Anong ginagawa mo dito?" Usisa nito. Tinignan niya ang tulak tulak na cart at ngumisi sa binata. "Nautusan mamalengke Sir para sa mga dadalhin sa lingo," aniya na bahagyang lumingon lingon sa mga items. "Bakit ? Anong meron?" Usisa pa din ng kausap. Nagkibit balikat siya "Di ako sigurado Sir. Pero ayon sa pagkakarinig ko mag-a-outing daw." sabi niya na ngumisi pa pagkaraan. Napapitik sa hangin si Matrix. "Ah. Oo, Nagyaya si Tita Helena na mag-outing." Anito na ngumiti na lalong nagpatingkad sa kagwapuhang taglay. "Oo sir, kaya maiwan na kita para agad ako matapos." Sabay itinu

