CHAPTER 30 After 3 years... "Hindi ko alam, kung bakit mo inilihim sa akin ang tungkol dito! Hindi naman para maliit na problema 'to para itago mo sa akin, Angelique." "Iyan ang dahilan kung bakit nilihim ko sa'yo. Alam kong hindi mo maiintindihan." "Ikaw ang hindi makaintindi, Angelique. Hindi ba't sinabi na ng doctor na magiging delikado na ang buhay mo kung mabubuntis ka pang muli?" Hindi alam ni Felix ang gagawin. Gusto niyang magalit ng husto kay Angelique, ngunit hindi nya magawa. "Pero, hindi naman sinabi ng doctor na bawal na ako mag buntis, hindi ba?" "Kaya nagawa mong mag sinungaling sa akin, na kunyari hindi ka pumapalya sa birth control shot mo?" Napaupo si Angelique sa gilid ng kama. Pinagmasdan niya ang asawang si Felix na nakasandal sa pader at nakatingin lamang

