(Angelique's pov) "Anak!" Halos patakbo akong niyakap ni Mommy at ni Daddy sa pagbaba ko pa lamang ng sasakyan. Muli ko silang nakontak at nagpaunang magsabi na ako ay dadalaw sa kanila. Naramdaman ko agad ang kanilang pag-iyak. Kaya naman ako'y tuluyan naring naiyak. I missed them so much! Hindi ko alam kung paano ko nakayang lumayo sa kanila for almost three years! "Anak ko! Bakit naman pati sa amin ay lumayo ka!" "Sorry, Mommy," sumisinghot ko pang sagot. Binigay sa akin ni Jessa ang kanyang contact number at nakibalita ako ng kaunti. Ang aking magulang raw ay muli ng nakatira sa aming Mansion sa Sta.Fe. Kaya ako ay narito upang sila'y muling makita! "Hindi mo alam kung gaano kahirap ang malayo sa anak," umiiyak na sabi ni Daddy. "Alam ko, dad. Ramdam ko kung gaano kasakit a

