"Althea..." bulalas ni Onse. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Parang bata nga nitong tinulungan si Althea na tumayo, ang matalim naman ang tingin sa akin. “How could you, Daisy?!” Dinuro-duro niya ako na parang hindi niya ako kilala; hindi niya ako nakasama ng ilang buwan para isipin na magagawa kong manakit nang walang dahilan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nagulat na nga ako sa biglang pagdating niya, nagulat pa ako sa inaasta niya; hindi ko in-expect na agad niya akong sisisihin na hindi man lang inaalam kung ano ang totoong nangyari. At saka, ano ba ang nangyayari at pareho silang sumugod rito? “Paano mo nagawang manakit? Kailan ka pa naging ganito ka bayolente?" Wow! Ang galing niyang mag-akusa. Parang alam na alam niya kung ano ang nangyari. Hindi lang ako ang tinap

