Ako ang gumamot. Masakit. Tahimik kong inulit ang salitang sinabi ni Sir Onse. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Ako ba talaga ang gumamot? Umiling-iling ako. Malinaw kong naalala ang mga sinabi niya noon. Hindi siya magiging okay kapag hindi bumalik si Althea. Siya lang daw ang makagagamot sa sugat sa puso niya dahil siya ng mahal niya, siya ng buhay niya. Tapos ngayon sasabihin niyang ako ang gumamot? Loko-loko ba siya? Mapakla akong tumawa. “Sir, pa-check up ka na po. Umakyat na yata lahat ng dugo mo sa utak, kaya kung ano-ano na lang ang sinasabi mo.” “Daisy, hindi…totoo ang sinasabi ko. Nasasaktan ako sa tuwing hindi mo ako pinapansin. Sumasakit ang puso sa tuwing malamig ang tingin mo sa akin. Ayoko na iniiwasan mo ako. Kaya please, bumalik na tayo sa dati.” Na

