DAISY “Onse!” gigil kong sambit sa pangalan niya. Sa gigil nanigas ang mga daliri ko sa kamay at paa. “Bastos kang matanda ka!” Dinampot ko ang unan at doon ko binuntong ang inis ko. Pinagsusuntok na parang mukha ni Onse ang sinasapak ko. Nang mapagod ay binaon ko naman ang aking mukha at pigil na sumigaw. Bwisit na ‘yon! Magnanakaw ng halik. Nag-init tuloy ang mukha ko nang maalala kung paano naglapat ang labi namin. “Animal ka, Onse!” Matapos kong ibaon ang aking mukha sa unan, humilata naman ako, at pinandyak-pandyak ang mga paa. “Nakakahiya! Kagigising ko nga lang, ang gulo-gulo ng buhok ko at malamang may muta pa ako.” Tinakpan ko naman ang aking mukha at inamoy ang aking hininga, at nagpagulong-gulong sa kama. “Abno ‘yon ‘e! Wala man lang siyang kakimi-kiming hinalikan ako.” In

