Hinablot nga niya ang kanyang kamay, habang ang mga mata ay nakapako pa rin sa loob ng cafe. Alam kong si Vincent ang tinatanaw niya na sigurado ako na nasa amin din ang tingin. “Onse, ba’t ba ang arte mo? Galit ka ba?" tampo-tampuhan kong sabi. Kahit ba alam ko naman kung bakit siya nagkakaganito, nagmaang-maangan pa rin ako. Gusto ko kasing makita kung paano nga ba siya magselos. “No. Let’s go home,” sagot nito, sabay suksok ng mga kamay sa kanyang bulsa. Ayaw niya na talaga pahawak. Nag-inarte ang matanda. Akala yata ay pinagseselos ko si Vincent kaya naging clingy ako bigla. Akala naman niya ay hahayaan ko siyang mag-inarte. Hindi oi. Bahala kung ano ang iisipin niya. Inilingkis ko ang aking mga braso sa katawan niya na ikinagulat na naman niya. Nagpalipat-lipat ang tingin ni

