Tumigil sandali ang tíbok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ko mabawi ang maling nasabi ko. Bulong lang ‘yon, pero alam kong malinaw na narinig ni Althea. Gaya ko, hindi na rin siya gumagalaw; hindi nakapagsalita, at nanatili lang sa kandungan ko. Then she pushed me away. Hinagilap ang mga saplot niya at tahimik iyong sinuot, at pagkatapos ay hinarap ako. Umayos ako sa pag-upo, pero nanatili namang tahimik. Pinagmamasdan ang bawat galaw ni Althea. Kung kanina kasi ay gulat ang nakikita ko, ngayon ay galit na. Galit na hindi ko alam kung paano pawiin, kung paano mawala. “What did you just say?” Nanginginig ang boses niya na sumabay sa marahas niyang paghinga. Lunok ng laway ang sagot ko. Hindi ko na rin halos mahabol ang marahas kong paghinga. I couldn’t move, couldn’t speak. Hindi

