“Sumunod ka sa labas!" sabi ni kuya, kay Sir Onse, at kumawala sa paghawak ni Danreve. Awtomatikong bumaling ang tingin sa akin ni Sir Onse. Tinitigan ako na parang nagmamakaawa na tulungan ko siya. Takot yatang mabugbog ulit. Sa laki ba naman kasi ng katawan ng kapatid ko, siguradong malalamog na siya. “Halika na, bro! Sira-ulo ka kasi." Tinulungan siyang tumayo ni Danreve. Napapadaing pa siya habang mahinang hinihila palabas ng kanyang kaibigan. Si Charmaine naman, sinundan lang sila ng tingin na parang walang pakialam sa kapatid niya. “Hindi mo ba sila susundan?" tanong ko, habang nahihiyang tinitigan siya, pero inismiran niya lang ako. “Hayaan mo nga siya. Deserve niyang mabugbog!" sabi niya. "Hindi ka ba naaawa sa kanya. Kapatid mo ‘yon…” "Naaawa, pero…" Hinawakan niya an

