The realization hit me hard when I discovered Daisy had blocked me. Hindi lang number ko, pati na rin sa mga social media. Intensyon kong kausapin siya, magpaliwanag at humingi ng tawad sa pagiging impulsive ko, pero nagawa niyang e-block ako. Kalooban ko nagpoprotesta sa ginagawa niya; hindi ako mapanatag. And yes, nasasaktan ako; hindi ako makapaniwala na magagawa niyang putulin ang aming ugnayan. Sa bagay may Vincent na nga siya na laging bumuntot at nagpapasaya sa kanya. Hinayaan ko siya sa gusto niya, hindi na rin ako sumubok na kontakin siya, o ang mag-isip na makipagkita sa kanya ay iniiwasan ko. Nakakalungkot mang isipin na umabot kami sa puntong ‘to, pero tanggap ko na—I lost my friend; my remedy at ako ang dahilan. Para mawala sa isip ko si Daisy, at ang mga nangyari, bin

