"T-TITA," banggit ni Delaney. Puno ng pagtataka at mga katanungan ang isip niya ngayong biglang naparito ang Tita Divina niya. Nang tuluyan na itong nakalingon sa kaniya at nakita siya ay may kung anong pagsisisi siyang nabanaag sa mukha at mga mata nito at wari'y may nais na sabihin sa kaniya ngunit hindi nito magawa. Agad nitong binawi ang tingin at ibinalik na lang nito ang atensiyon sa niluluto nito. "Babalik si Joross ngayon. May nilakad lang siyang importante. Sabay-sabay na tayong maghapunan," dinig niyang sabi ng Tita Divina niya. Wala siyang natantiyang galit at kung anong mabigat na damdamin sa himig ng boses nito. Kalmado lang ang pagkakasabi nito. Hindi na niya napigilan ang sarili. Nagsimula nang mamalisbis ang kaniyang mga luha sa hindi niya malamang dahilan. "T-tita..." u

