Chapter 37

2033 Words

BINUKSAN ni Delaney ang pinto ng apartment niya nang paulit-ulit niyang marinig ang katok ng pinto at ang pagtawag sa kaniyang pangalan nina Danica at Cora. "Hello, Delz! Magandang buhay!" masayang bati ng dalawa. "Hello, girls," matamlay niyang ganti sa mga ito. "Hali kayo. Pasok muna kayo." Nilakihan niya ang awang ng pinto upang makapasok ang dalawa. "What's the sudden visit?" tanong niya habang papaupo sa pang-isahang sofa sa bandang kanan ng mahabang sofa. Nababahid naman ng mga ito ang kawalang sigla niya. Nang maupo ang mga ito sa mahabang sofa ay hindi na agad nagpaliguy-ligoy pa ang mga ito. Sinabi na agad ng mga ito ang sadya. "Delz, gala tayo?" pang-aaya sa kaniya ni Danica. "Para naman sumaya ka naman. You look so ewan. We need to cheer you up," nakangiting dugtong pa nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD