"SANA all!" magkasabay na sigaw ng dalawang maiingay niyang kaibigan matapos ang kuwento ng trip nila sa Seoul. Napangiti lang siya nang malapad. Narito silang tatlo sa kaniyang apartment matapos umuwi galing sa trabaho. Gabi na at nakipagkuwentuhan pa ang dalawang kaibigan. "Pero seryoso ka ba talaga, Delz? Walang jugjugan na nangyari do'n? Baka meron, ha. Hindi mo lang sinasabi," tila hindi kumbinsidong usisa ni Danica sa kaniya. "Wala nga," muling pagsisinungaling niya. "Naku naman! Ang hirap talagang paniwalain 'tong bruhang 'to!" sambit niya sa kaniyang isip. Buti na lang at nasisikapan pa niyang hindi ipahalatang hindi siya nagsasabi ng totoo. Baka mamaya, lumabas na sa kaniyang bibig na may nangyari sa kanila ni Aljur. "Eh, ba't namumula ka?" tukso pang muli ni Danica. Nang-aasa

