"DELANEY, wait!" Nahabol niya ito kaya't hinawakan niya ito ngayon ay sa kamay. Pumiglas naman ito sa kaniya. "Can't you just stop touching me and leave me alone?" banas nitong angil sa kaniya. Aktong lilisanin na naman siya nito nang hiklasin niya ito at niyakap. "Sorry na. I didn't mean to hurt you. I was just driven by anger and I don't want to see you cry and get hurt." Ginawaran niya ito ng halik sa ulo nito sabay hagod ng likod ng ulo nito. Pilit naman siya nitong tinutulak pero malakas siya kaya bigo ang dalaga. Nang niluwagan niya ang pagyakap dito ay akmang aalis nito pero hindi iyon natuloy dahil kaagad niya itong binuhat nang pang-bridal style at doon napasigaw ang dalaga sa gulat. "Aljur! Put me down! Ano ba?!" singhal nito sa kaniya habang pilit na pumipiglas. Tila wala n

