The way how my heart pounds is exaggerated. This is jaw-droppping. Inasahan ko namang uupo siya rito sa tabi ko ngunit hindi kailanman sumagi sa akin na siya ang mag-iinsist para utusan akong pumunas ng kaniyang katawan!
This is too unbelievable. Parang kailan lang noong lihim pa akong sumisilip para lang pagmasdan siya. He doesn’t even know me until my father introduced me as a waterboy. Siguro kung hindi pa nangyari iyon ay hindi niya pa rin ako makikilala. Heck, sa tinagal-tagal naming schoolmate noong high school, ni minsan ay hindi talaga ako naglakas-loob para magpakilala.
Ang tayog niya kumpara sa akin. Ang dami-dami niyang kaibigan samantalang ako ay laging mag-isa. Kilalang kilala sa campus habang ako ay parang hangin lang. Mangilan-ngilan lang ang lumalapit sa akin at minsan, kinakausap lang ako tungkol sa school works. Hindi ako introvert at anti-social pero namimili ng pinakikisamahan.
Kaya kung may naging kaibigan man ako, panandalian lang.
Walang nagtatagal.
So I did it. Nagdadalawang-isip man ay kabado kong hinawakan ang towel at pinunas sa katawan niyang pawisan. Nakatalikod siya sa akin at paminsan-minsa’y lumalagok ng bottled water. Iniisip ko na lang na minsan lang ito kaya kailangan kong sulitin.
Nag-iinit na naman ako. The way how my system reacts just really sucks. I hated myself for this, for feeling weird towards my same s*x. Somehow, as time went by, I learned to embrace myself— to accept who I am… to love the way I am.
“Tapos na,” deklara ko nang masigurong tuyo na ang kaniyang likod. Mula sa pagkakatalikod ay umayos siya ng upo at gaya kong nakaupo na nang nakaharap sa court. Mabuti na lang at kinuha na niya ang towel at siya na mismo ang nagpunas sa kaniyang leeg, dibdib, hanggang sa ibaba ng pusod.
Hindi ba siya naiilang? O baka dahil sanay na siya sa ganito? Paano kung malaman niyang bisexual ako? Magbabago kaya ang turing niya sa akin?
He seems nice… at natatakot akong mabago iyon sakaling matukalasan niya kung sino ba talaga ako at ano ba ang meron sa katawan kong ito.
“May I ask you something, Yuri?”
I slowly nodded. Ipinatong ko ang dalawa kong palad sa aking kandungan at diretsong tumitig sa sahig ng court. Kahit na hindi ako nakatingin sa kaniya, ramdam kong nakatitig siya sa akin.
“S-sige lang…”
“Schoolmate ba kita noon?”
May kung anong umudyok sa sistema ko. Sa puntong iyon ay mabilis akong napalingon sa kaniya.
“O-oo…”
“I was right, then.”
“Uh, bakit mo natanong?”
Bago niya ito sinagot, inilapag niya sa kabilang gilid ang towel na pinagpunasan ng kaniyang pawis.
“I was just wondering. Pamilyar ka kasi sa ’kin at… mukhang nakita na kita dati.”
Kung kunwaring babalik ako sa nakaraan at magpapakilala kahit noong nasa senior high na kami, posible kayang maging magkaibigan kami?
Hindi malabo pero nasisiguro kong todo-todo ang paghihirap ko sakali mang nangyari iyon. I’ve been liking him secretely. Mula noong una ko siyang makita, alam kong gustong gusto ko na siya.
“Introvert ka?” tanong pa niya at sinagot ko agad ng iling.
“Nope. I don’t consider myself as an introvert. Mapili lang.”
“You mean, hindi ka basta-basta nakikipagkaibigan?”
“Ganoon na nga…”
“What if I ask you to be my friend, would you mind?”
Literal na umawang ang bibig ko. Why is he asking me this? I mean, kahit hindi na siya magtanong, halata namang papayag ako sa pabor na iyan.
Kung ako nga lang ang papipiliin ng tanong, higit pa sa pagkakaibigan ang gusto ko. Kaya lang, ang kapal naman ng mukha ko para gawin iyon. Lakas mangarap, duwag naman.
“I won’t mind, Kahlil. Kahit hindi ka na nagtanong, papayag na ako maging kaibigan mo…”
He chuckled and brushed my hair. Kung kanina ay para akong nawala sa kawalan, pakiramdam ko naman ngayon ay higit pa sa paro-paro ang kumiliti sa aking tiyan. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ito. This is too good to be true!
“Ano bang ideal friend mo at bakit pasok ako sa standards mo?” he inquired. Tumigil na siya sa reaksyon niya kanina at umayos na uli ng upo.
Ngumiti ako.
“Uh, kailangan ko pa bang sagutin iyan?”
“Yes, of course. Tutulungan din kita makahanap ng kaibigan sakaling malaman ko kung ano mga standards mo.”
And now, I’m doomed. Anong isasagot ko? Na pumayag ako maging kaibigan niya ay dahil crush ko siya?
Honestly, I want a friend that is not homophobic and open-minded enough to understand my situation. I’ve been fighting this battle on my own. Sinarili lahat ng mga pasanin na sana ay mas magaan kung may kaibigang sinasabihan.
But in these days, finding a true friend seems a part of a daydream. Bihira na lang ang mapagkakatiwalaan. Kaunting kaunti na lang.
“Kahit ‘yong hindi na loko-loko, pwede na sa’kin,” I answered. He then craned his neck upon hearing that.
“Ang daming matino sa campus na ito, Yuri. Iyon lang ba ang standard mo?”
Suddenly, I don’t get why. Bakit parang interesado syang bigla sa akin? O baka borred lang siya at walang magawa? Kung sa bagay, kaming dalawa nga lang pala ang nandito kaya ano bang aasahan ko? Baka hindi ito big deal sa kaniya.
“Marami… hindi ko lang maisa-isa.”
“Okay. Marami pa namang next time para pag-usapan iyan.”
Kinilig ako roon. Ngayong magkaibigan na kami, hindi nga naman imposible para sabihin na magkakausap ulit kami nang ganito. Sana sa susunod ay kaming dalawa lang, gaya nito.
He packed up and went to the shower area. Ako naman ay nagligpit ng mga bola at siniguro na wala ni anumang kalat na naiwan. Naglampaso na rin ako para masigurong walang maiiwang dumi. May training pa naman bukas.
Habang naglalampaso sa huling quadrant ng court, lihim kong sinilip si Kahlil na ngayon ay prente ng nakaupo sa bench. Tapos na siya maligo. Sobrang kaswal na rin niya sa suot na denim pants at black shirt. Nakahawi pagilid ang basa niyang buhok at nakatitig sa hawak niyang cellphone.
Bakit hindi pa siya umaalis?
Binalik ko ang tingin sa ginagawa. Yumuko ako at inisip nang mabuti ang posibilidad. Nagpapahinga lang kaya siya? Baka naman hinihintay niya ako?
S-hit. Wala pa naman akong dalang pamalit ngayon. Pawis na pawis na ako sa uniform na ‘to. Kung binabalak niyang sumabay sa akin kapag lalabas na ng court na ito, baka may maamoy siyang hindi kanais-nais.
Ano nang gagawin ko?
Ilang minuto pa ang lumipas bago ko tuluyang natapos linisin ang huling quadrant. Pagkatapos nito, diretso na akong lumakad patungong utility room upang ibalik ang mga gamit-panlinis. Saka ako tumungo sa CR at saglit na naghilamos. Praning na praning pa rin dahil hindi ko man lang magawang magbihis.
Huminga ako nang malalim bago bumalik ng bench. Siniguro ko na wala ng pawis na gumagapang sa kahit na anong parte ng katawan ko bago niya ako makita.
Pagkarating ko sa kaniyang tabi, saka niya pinatay ang hawak na phone. Ibinulsa niya ito saka sinukbit ang duffle bag. Tama ako ng hinala, hinintay niya akong matapos sa ginagawa ko bago siya umalis.
“Nag-text na ako kay coach para ipagpaalam ka.”
Saglit akong tumigil sa pag-aayos ng gamit ko nang marinig iyon. Muli na namang rumagasa sa kaba’t kilig ang puso ko. Ipinagpaalam niya ako?
Isinara ko ang zipper ng aking bag saka sinukbit sa magkabilang balikat ang straps. Nang i-angat ko ang tingin sa kaniya ay may multo na ng ngiti ang kaniyang mukha.
“S-saan tayo pupunta?”
“Dinner.”
Lalo tumambol ang puso ko. Hindi ako makapaniwala!
“Sige. Pumayag naman si Papa, ‘di ba?”
“Yupp. Pumayag naman kaya huwag mo na alalahanin.”
Ngayong naglalakad na kami palabas, lalo akong na-conscious sa amoy ko. Sobra akong nahuhumaling sa bango niya samantalang ako ay hindi maunawaan. Kung para sa kaniya ay dinner lang ang magaganap, para naman sa’kin ay tinuturing ko na iyong date!
Unang beses niyo ito, Yuri. Paano kung maaamoy niyang mabantot ka?
S-hit.
Nang maisara ko ang main entrance ng gym, muli na kaming nagpatuloy sa paglalakad. The surrounding is dark and blinding. Kung may umiilaw na lang sa daan namin ay walang iba kundi ang mahinang sinag ng buwan. Bakit kaya hindi pa binubuksan ang ilaw dito sa gawing pathway? Sa tantya ko ay nasa alas sais mahigit na ng gabi.
Lumayo ako nang bahagya, bagay na alam kong napansin niya. Gayunpaman, pinanatili ko lang ang tingin sa harapan para hindi mahalata. Bwisit kasi. Bakit ngayon pa kung kailan hindi kanais-nais ang amoy ko?
Paano kaya kung tumanggi muna ako at ipagpabukas na lang ito? Papayag naman siguro si Papa sakaling si Kahlil ang mag-aaya.
Tama, mas mainam na munang tumanggi kaysa mabuko niya ako sa amoy ko.
Huminto ako sa paglalakad na kaniya rin namang ginawa. Nasa harapan ko na siya ngayon at nasa dalawang hakbang lamang ang layo. Sa liwanag na hatid ng lamp post mula sa malayo, kitang kita ko ang replika ng sinag nito sa kaniyang mga mata. He looks so sincere yet… serious.
“Hindi pala maayos ang pakiramdam ko, Kahlil,” panimula ko sa malalim na boses sabay hinga nang malalim.
Sayang. Sayang talaga.
“Bakit?”
“M-medyo… medyo nahihilo na kasi ako. Wala akong gana kumain. Pwede bang bukas na lang tayo magsabay sa… d-dinner?”
Matagal bago siya sumagot.
“If that’s the case, then we can cancel. Ihahatid na lang kita—”
“No. You don’t need to do that. Kaya ko na ang sarili ko.”
“Sure?”
“Yeah…”
Ano pa kasing silbi ng pagtanggi ko sa dinner kung ihahatid niya rin pala ako? Mas lalo akong walang kawala sakaling mangyari iyon. Ma-t-turn off lang siya sa akin.
“S-sige, salamat sa time. Kailangan ko nang umuwi para magpahinga. Bukas na lang ulit.”
He nodded without saying a word. Sa puntong iyon ay tumalikod na ako at naglakad sa kabilang direksyon.
Ang arte ko ba dahil sa ginawa kong ito? Kung hindi ko naman siya gusto, baka magawa ko pang ipaamoy ang sarili ko. Pero hindi e. I’m too conscious to do that. Dahil maliban na nga sa gustong gusto ko siya, nahihiya ako sa bango niya.
Kahlil seems nice, kabaliktaran ng personalidad niya sa tuwing nasa laro. Buong akala ko ay seryoso lang siya at masungit pero hindi ko inasahan na ganoon din pala siya kabait.
Lalo lang akong nahulog. Lalo lang akong nahumaling.
Kailan ba matatapos itong nararamdaman ko?
**
Pagkauwi ko ng bahay, sumalubong agad si Kuya na ngayon ay nanonood ng NBA sa sala. Akma na sana akong tutungo sa kwarto nang bigla siyang magsalita.
“Hoy bakla, sa’n ka galing?”
Napalunok ako at mariing kumagat sa labi. Paulit-ulit na niya itong sinasabi sa akin bilang pang-asar pero bakit hindi pa rin ako nasasanay?
Sumama ang timpla ng mukha ko bago lumingon sa kaniya. Nakita ko siyang may hawak na remote at nakangisi sa akin.
“Wala ka bang sasabihing matino maliban sa pang-aasar mo, kuya?”
Sumandal siya sa kinauupuang couch.
“Bakit ayaw mong sagutin ang tanong ko? Aminin mo lang naman na naki-wampipti ka, solve na ang usapan.”
Paulit-ulit akong huminga nang malalim. S-hit. Bakit kasi hindi ako naging maingat noon? Bakit nahuli pa niya? Bakit hindi ko man lang nagawang maitago ito?
Buong buhay ko, pinilit kong magpakatatag. Kahit na nahihirapang kumilala sa kung sino at ano ba talaga ako, sinarili ko kahit ang sakit-sakit. Hindi lang si Papa ang umaasa na straight ako at matutulad sa gaya nilang mga basketball players. Pati na rin sila Tito.
Hindi lang ako sigurado kung ipinagkalat na ba ni Papa o ni Kuya ang tungkol dito. But knowing my father’s pride, hindi iyon papayag na mananatili akong ganito. Wala siyang pakialam kahit na nahihirapan na ako. Wala siyang pakialam basta’t masunod lang ang nais niya.
Hindi na ako nakipagtalo pa kay Kuya. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makapasok na nang tuluyan sa kwarto. Inihagis ko ang bag sa kama at isa-isang hinubad ang saplot. Saka ako dumiretso sa bathroom upang maligo.
The moment I saw my nakedness in front of the mirror, I remembered Kahlil. Hindi dahil parehas kami ng body-built, kun’di dahil kita ko ang layo ng aming pagkakaiba. He’s taller, muscular, stronger, and handsome. Eh ako? Wala pa ako sa kalingkingan niya. Matipuno man kung maituturing ang katawan ko, tingting lang ako kumpara sa kaniya.
Muli kong binalikan ang pinto upang i-lock ang doorknob nito. Ngayon, wala na akong ibang nararamdaman kun’di biglang init na aminado akong halos araw-araw ko namang nararanasan. Heck, nasa huling stage na ako ng teenage years ko pero bakit parang libog na libog pa rin ako?
Pumikit ako nang marahan pagkabalik ko sa harap ng salamin. As I let my mind imagine how his body looks when he’s naked, I suddenly shiver. Kaya sa lalong init na naramdaman, hindi ko na napigilan pang haplusin ang tumatayong kahabaan.
Kahlil, please...