Tulala si Blaire sa pregnancy test na nasa ibabaw ng lababo nya sa loob ng restroom. Kagagaling lang nya sa clinic para humingi ng vitamins. Hindi pa kasi sya makalabas para mag pa check up ang dami pa kasi nyang gagawin trabaho. Kaya humingi nalang muna sana sya ng vitamins at nag pa BP na rin dahil mula pa kanina tanghali ay nahihilo na naman sya. Binigyan naman sya ng ferrous sulfate ng nurse on duty sa site at pregnancy kit na din dahil normal naman daw ang Bp nya. tinanong nito kung kelan pa ang huling menstration nya. Hindi na nya matandaan. Sinabi nya rito ang tungkol sa contraceptive shot na pinagawa nila noon ni Owen. Tinanong nito kung kelan pa yun hindi na rin nya matandaan wala na rin sa loob nya. Na sanay na din kasi sya na di dinadatnan ng buwNan dalawa simula noon kaya d

